TUNGHAYAN NATIN ANG ilang sumbong na natanggap ng ITIMBRE MO KAY TULFO:

Sir Raffy,

Magandang araw sa inyo at sa lahat ng bumubuo ng inyong matagumpay na programa. Sumulat po ako upang ireklamo ang corruption na nangyayari sa LTO Santiago City extension office.

Noong February 22, 2011, kumuha ng driver’s license ang tiyahin ko pero February 24 na siya natapos dahil ilang beses siyang pinababalik dahil sinasabing off line daw po ang nasabing opisina.

Naiinis po ako sa labis nilang paniningil ng bayad para sa lisensiyang kukunin ng tiyahin ko. Noong bago siya kumuha ay sinabing P1,200 daw ang bayad at doon na kukunin lahat.

Nang magbabayad na po ang tiyahin ko ay nagulat siya dahil P1,400 na ang sinasabi sa kanyang babayaran niya. Tinanong niya kung bakit ang mahal at sinagot naman siya ng empleyado ng LTO na iyon ang bayad para hindi na raw siya mag-exam. Kung gusto raw niya mag-exam ay iyong nasa resibo lamang ang kailangan niyang bayaran ngunit wala namang sinabi ang empleyado kung magkano iyon.

Tinanong nang tiyahin ko kung wala na bang bawas at sinabi sa kanya na P1,200 na lang dahil kung bababa pa ay abonado na raw sila.

Nang umuwi ang tiyahin ko ay nakita ko po ang resibo. Ang mga nakalagay lamang na halaga ay ang mga sumusunod: P100.00 – for application fee, P67.63 – for computer fee, at P350.00 – for license fee.

Bale ang kabuuan lamang ng dapat na babayaran ay umaabot lamang sa P517.63. Sa madaling salita ay nawawala ang P628.37 dahil wala naman pong iba pang naka-indicate na babayaran sa resibo ng aking tiyahin.

Sabi pa ng tiyahin ko ay mayroon siyang ilang nakasabay na P1,500 pa raw po ang sinisingil para sa lisensiya.

Ang nais ko lamang pong mangyari ay madisiplina o maalis sa puwesto ang mga gahamang empleyado ng LTO rito sa amin para hindi na po maulit ang mga ganitong pangyayari. Kawawa naman po ang mga taong nagnanais lamang na kumuha ng lisensiya ay pinagkakakitaan pa ng mga empleyado ng nasabing ahensiya, samantalang pinapasuweldo naman sila.

Sana po ay matugunan ninyo ang aking sumbong. Maraming salamat po.

Dear Sir Raffy,

Ako po si Dennis, nais ko sanang hingin ang inyong atensiyon upang kami ay matulungan sa aming problema sa aming lugar.

Sana ay makalampag ang mga kinauukulan dito upang maaksyunan ang creek na gumuho rito sa Barangay Muzon ng San Jose del Monte, Bulacan. Sa kasalukuyan ay patuloy na lumalaki ang guho dahil sa kawalan ng atensiyon ng mga kinauukulan dito sa amin.

Mabigyan sana nang aksyon ang aming problema sa lalong madaling panahon dahil maaaring lumala pa ang pagguho ng creek sa darating na tag-ulan.

Hinihiling namin na kami ay matulungan ninyo na makalampag ang lokal na pamahalaan upang kumilos sila para matugunan ang problemang ito. Nangangamba po kami na baka isang araw ay bigla na lamang may maging biktima ang nagmistulang bangin sa gilid ng daan.

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

Dennis

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

35 thoughts on “TUNGHAYAN NATIN ANG ilang sumbong na natanggap ng ITIMBRE MO KAY TULFO:

  1. Maligayang pagbati po sa inyo at nawa’y ang kapayapaan ay sumainyo po Sir Tulfo.
            Ako po si MR. CHRISTOPER BASILIO ANG, kasalukuyang nasa poder ng aking amo na si Shiekh Abdullah Al-Thumairi, at ako po ay isang nars na nagtatrabaho sa kanyang ospital na nagngangalang ABHA PRIVATE HOSPITAL at matatagpuan po sa ABHA CITY, ASEER REGION, SAUDI ARABIA. Ako po ay humihingi ng tulong sa inyo at sa ating gobyerno sa Pilipinas na mapauwi na po ako. Ako po ay pinahinto na sa trabaho noong ika 5 ng Abril taong 2012 at wala na pong sinasahod. Tinitipid ko po nang husto ang aking huling sahod noong Marso taong 2012 para po pantugon sa pangangailangan ko. Pinayagan na ako ng pamamahala ng ospital at ng aking amo na umuwi ngunit sa kasawiang palad di po ako mabigyan ng exit visa o travel to permit galing sa kanilang JAWASAT sa kadahilanan na meron po akong rekord doon. Ang aking rekord ay iyon pong naging problema ko noong ika 9 ng Oktobre taong 2011 at ikinakulong ko ng tatlong araw at 5 oras sa bartolina sa kadahilanan na sumama ako sa aking drayber na isang arabo at ako po’y kinasuhan noon ng imoralidad sa walang ebidensiya. Di naman ako nag kulang sa pag follow up sa ospital ukol sa aking papel sa pagpapauwi sa akin. Noong 24 ng Mayo ang sabi sakin ng legal consultant ng ospital na nagngangalang Mr. Aboud Alseer na nagpadala na daw siya ng sulat sa embahada ng Pilipinas para tulungan ako at mapauwi. Ako po ay hirap na hirap na sa kalagayan ko dito at dalawang buwan na po akong nakalagi lang sa bahay at ang ikinatatakot ko po ay paubos na po ang aking perang inipon para pantustus sa pangangailangan ko dito. Gusto ko pong mag side line na trabaho pero nangangamba rin ako dahil bawal po dito iyon. Ang tanging hiling ko lang sa buhay ko dito ay ang makauwi at makapiling ang aking pamilya sa Pilipinas. Ika 3 ng Hunyo taong 2012, ang sabi sakin ng legal consultant na ang aking kaso ay andun parin sa pulis at walang nangyayari po, di ko po alam kung pina follow up din ba nila habang nakikipag ugnayan ako sa kanila. Natatakot rin po ako na maabutan ako ng expiration ng aking IQAMA o residence permit at baka makulong ako muli sa kadahilanang kukupas na ang aking IQAMA.

            Ako po ay nagmamakaawa sa inyo ng tulong para sa proseso ng aking exit visa at ng sa ganun makaauwi na po ako sa ating bansang Pilipinas. Ang aking numero po ay +966563989411, ang aking IQAMA o residence permit po ay 2293439267 at ang aking passport number po ay xx2244616. Maeexpire ang aking IQAMA o residence permit sa ika 11 ng Oktobre taong 2012. Naway matulungan niyo po ako na makauwi po at tatanawin ko po tong utang na loob. Maraming salamat po…
    Lubos na Gumagalang,
    CHRISTOPER BASILIO ANG

  2. honey vi tabunggao wrote on 23 April, 2012, 20:43sir tulfo this  honey vi!!!SIR GUSTO KO PO SANA HUMINGI NG TULONG,,, regarding s nangyari sa kapatid ko na si ruizsito tabunggao nakatira sa dagat dagatan caloocan city…. un kapatid ko po kc maybinisita sa MALABON city,,,, tapos un pauwi na po siya,,, may binili  lang po sya sa tindahan sa malabon  and bigla may grupo na lumapit s kanya 7 katao un grupo po … and binugbog po si ruizsito tabunggao  na di niya alam ang dahilan … kung NAPAGTRIPAN talaga OR STRATEGY LANG PARA MAKUHA UN MOTOR… kc po un pinubugbog siya ng grupo bigla po nawala un MOTOR… nareport po barangay un kaso,,,, KAYA LANG PO kagawad c ANTHONETTE GASA sa MALABON and KAMAG ANAK PO NI ANTHONY FERRER na isa sa BUMUGBOG kay RUIZSITO TABUNGGAO… ang na i file lang sa barangay ay PHYSICAL INJURY kc po sabi ni anthonette gaza ay di daw pwede isama un CARNAPPING dun daw po dapat sa pulis i FILE>>> SIR sana po MATULUNGAN NIO KMI!!!….  nagtratrabaho un kapatid ko para lang mahulugan un MOTOR… pero un mga taong walang ginagawa and naglalamang ng iba.. na KATULAD NI ANTHONY FERRER at ang mga grupo nia!!! na manguha ng mga sasakyan!! at TINUTULUNGAN NG ISA SA BARANGAY o kinukunsinti… TAMA BA NA GANTO lng!! NA OK LANG MAGNAKAW C ANTHONY FERRER AT GRUPO NIA>>> SIR TULFO>>> malaki po tiwala namin sa inyo na mtutulungan nio kmi  at alam namin nasa TAMA KMI>>> thank you…. my number!! 09289631452

  3. Sir, magandang gabi po ako po c estepanie galang,. humihingi po ako ng tulong sa nagpacomaker sa asawa ko ng 40k pero tinakasan lng po kmi at ang asawa ko poh ang nag huhulog. tulungan nyo po sana kami 

    salamat po

  4. dear sir raffy,
    magandang gabi po sir, nais po naming humingi ng tulong sa inyo tungkol sa kompanyang inaplayan namin na ECOMODA Marketing Company..kami po ay nag_apply sa kanila bilang office staff at pinangakuan ng trabaho sa oras n na bili namina ng produkto nila..ngunit ng kami po ay nakabili na ng mineral water pot na nagkakahalaga ng 2,998.00 aypinapirma nila kami ng pre-employment contract at pinagattend ng seminar at orientation..pinag OJT nila kami na ang usapan ay maximum 17 days lang ngunit di nila sinabi sa amin na pag di nakabenta ang ieevaluate namin na aplikante at di natuloy pumasok s kompanya ay mateterminate kami..ang sabi nila sa orientation ay siguradong pasok n kami sa trabaho at tapusin lang namin ang aming training..pwersahan kaming pinagreresign o iteterminate nila kami pag di kami nagresign..marami na kaming nabibiktima sir kung kaya lumapit na kami sa inyong tanggapan..umasa at gumastos kami ng libo sa pag_asang may trabaho na kami ngunit hindi naman po pala totoo marami po sa amin ang nagkabaon-baon na sa utang at di na alam kung paano pa muling makakahanap ng trabaho..ang masakit pa nito ay ng malaman nilang magsusumbong kami sa inyo ay sinabi nila na mineral water pot at 5 thousand lang ang katapat ni tulfo..hindi po kami naniniwalang totoo iyon sir kaya’t lumapit pa din po kami..
    isearch nyo po sa google sir ang ECOMODA MARKETING COMPANY at i_click nyo po ang sindikatong novartis..doon makikita nyo po kung gano na kami karaming biktima nila..dati po silang novartis at kran na ngyon ay ECOMODA..marami pa po kaming nais ilahad sa inyo ngunit sa personal po sana namin gustong sabihin sa inyo sapagkat may humahawak aw po sa kanilang reporter at opisyal sa gobyerno..
    maraming salamat po,more power at GOD bless u sir..

    ill just copy paste a certain problem bout ECOMODA  sir totoo po ito sana ppo gawan nio ng aksyon…we wrote u becoz we believed u thnk u very muc.

    • Hay! We encountered the same company Ecomoda Marketing Company at Bagong Barrio Pag – ibig Bldg.. And hindi namin alam from the start na yun nga isang scam! Nakapagbayad na kami bago namin nabasa mga blog sa net! Ang gusto sana namin e mapagbayaran nga mga manloloko na to mga ginagawa nila. Hay! Mga Sir Tulfo patulong naman. Ang dami na naming nabiktima.. Salamat po..

  5. sir raffy ako po si ruel lucmong nagtatrabaho po sa malabon, nais ko lang po na mabigyan ng aksyon kasi talamak ang hold upan sa amin sa kahabaan ng c4 malabon, walang oras poang pinipili ang mga hold uper, nakakatakot po talaga kasi kahit police wala man lang. at walang lakas loob mag sumbong o tumulong. binabalikan nila kaya lahat po ay takot at sa gabi madilim wala pong ilaw. gusto ko po sanang maimbistigahan ng maaga kasi nakakaawa na po ung mga tao lalo na po sa mga estudyante. doon po ako nagtrabaho malapit sa malabon city square. maraming salamat po sana mabigyan po ng aksyon.

  6. sir, maraming salamat po sa patuloy na pag hahayag ng mga magagandang balita at aksyon sa tugon ng taong bayan maraming maraming salamat po talaga.
    sir,sana matulungan nyo po ang tito ko sa problema nya na hindi inaaksyonan ng mabuti lalong lalo na yung matataas na opisyal dito sa sto,domingo ,echague ,isabela ung problema pong un ay baliwala. ung kapitan ng brgy,castillo ay pumasok po sa bahy ng tito ko at nagwalo bumato at pumunta po ung tito ko sa munisipyo namin at ang litis po dun ay guilty po si captain madayag .walang binigay na parusa .ay wala lang nangyayari at nababahala po kami kc ilang ulit na pong maraming nagreklamo sa kanya sa munisipyo, ay ilang ulit narin pong warang nang-yayari .I HOPE NA MATUTULUNGAN NYO PO KAMI maghihintay po kami sa iyong pag -bisita thanks po JOBEL LOGAN FROM STO,DOMINGO ECHAGUE ISABELA

  7. Dear SIr  Raffy Tulfo,
     Magandang Hapon Po.Ako nga pala c Marylou Navarro , dumulog po ako sa inyong programa kasi po gusto ko po humingi nang tulong sa inyo tungkol po ito sa SOCIAL SECURITY SYSTEM {S.S.S} nang tiyuhin ko po na hanggang ngaun wala pa pong balita ., nai FIle po namin LAST September 07, 2011 sa PASAY branch at pabalik balik po ako doon sabi for Verification at pumunta na rin po ako sa S.S.S. Quezon City branch para humingi nang tulong ,wala din po.SA , totoo lang po kinakailangan po talaga nang tiyuhin ko po kasi ngaun di na po sya makapagsalita at makatayo, alam ko po PERA nya naman po un. Bakit po pinapatagal pa nila pag release..? Sana po matulungan nyo po ako  at maaksyunan nyo po itong reklamo ko po..
    ..     maraming salamat po…
                                                                                                Lubos na gumagalang,
                                                                                                          Marylou Navarro

  8. dear sir raffy tulfo,
                           ako po si lolita gutierrez , guto ko po sanang idulog sa inyo ang akin problema  tungkol sa aming tubig na maynilad. last sept. po na temporary close po ung tubig namin. pero ito po ay amin bnayaran nung last oct.15 . sa halagang 1,253.02 , iba papo ung opening fee na 474.36 ,bale bayad n po kami ng buo tpos binuksan po nila after 2days sinabi po nila na may utang pa po kaming 4,098.26
              . nagulat po ako tinanong ko kung para san un , sinabi po nila na penalty daw po un dhil nung nka’temporary close daw po guman dw po ung metro namin .. eh ! papaano po gumana un e nkalock po ung metro namin. kinabukasan po nun nagpunta po ko sa opisina nila para tanungin kung papaano kami nagkaroon ng penalty gayong nkalock at hinda namn nanim  ginamit ang aming tubig, at ang sabi nung sir.arman na nkausap ko ay mag promisory notes na lang daw po kami. at magbayad na lang daw po ako kay sir arman at wag daw po kami mgtaka kung hindi lalabas un sa monthly bill naim .  hindi po ako pumayag na bayaran un dahil hindi amn po namin in ginamit kya sinabi ko na lang po sa knila na inspeksyonin na lang po ung metro at bahay namin at pumayag po sila. dumatng po sla after 2weeks nung ininspeksyon nila ay ung metro lang. tapos may pinapapirmahan po sila skin hindi ko po pinirmahan dahil ingles po. ngayon po dumating ung bill namin pra sa buwn ng n0byembre , nng mkita namin ang bill namin ay 9,976 na po dhil ung 4,098 na sinasabi nilang penalty ay nadagdagan pa ng mahigit 5,000 . kaya naging 9,976 po daw lahat . pero ang bill lang po talaga namn ay mahigit 200 lang po at ung iba ay ung sinasabi nga po nilang penalty.       
             kaya ko po nilapit sa inyo ang problemang it upang maliwanag kung tama po ba talga ang ginagawa nang maynilad dito sa aming lugar  sa camarin,kiko sa caloocan city ..
           sana po sir ay maaksyonan niyo ang aking reklamo .. mara ming salamat po.
                                                                                                                        lubos na gumagalang,
                                                                                                                      mrs.lolita gutierrez.

  9. Sir.raffy                                                                                                                                                                                 gusto ko po ireklamo yong may-ari ng bahay na pinagdown nmin ng pera.nung oct 21 nag down po  kmi ng pera na 6400 tps nung  gsto ko idiposit yong pera nung oct 22 ayw n po ibalik.sbi nung katiwala nsa bangko na yong pera at hndi n dw pwd idiposit yong pera kasi dw po hnd sla nagddiposit kapg nsa kanla n yong pera tps sbi ng katiwala bumalik kmi ng lunes para kausapin yong may-ari ng bahay nung bumalik po kmi nung lunes hnd nmn nmin nkausp yong may-ari ang nkausp ult nmn yong katwala at sbi ulit smin ay sumlat dw kmi ng dhiln kung bkt nmin kknin yong pera tps gumwa ako ng sulat at nilagy ko yong number ko ksi sbi nya ttwagn nlang dw ako hangang ngaun wla ako nttangap na twag kht txt wla po.                                                      

  10. Sir Raffy,

    magandang gabi po s inyong programa lalo n sa inyo sir raffy,my gusto lang po sana akong isanguni at ihingi ng tulong sa inyong programa,tama po bang ikulong ang 1 tao agad2x ng dpa napa2tunayan na ngkasala.at napasama lng sa rambulan.at pinagba2yad po cla ng 50k para sa pagka2ospital ng isa sa mga nasaktan sa gulong un.ngaun po nagbayad n cla.pero hanggang ngaun nakakulong pa cla.katwiran po ng mga pulis wla p dw release order.samantalang nun martes pa oct.8,2011 cla nakabayad.nakaleave dw ang pi2rma s release paper para makalbas cla ng kulungan.anu po ba ang dapat gawin?salamat po!

  11. gud day sir,

    Gs2 ko sana idulog s inyo ang kaso ko. .im a regular employee. In a not so big chemical distributor, then my father also work there as a supervisor, , ntanggal po ang tatay ko. After 22 yrz of service. Wla syang natanggap kahit piso which made him act to file cases aginst the company on dole. .with your help. .but my issue is. Dahil daw po sa ginawa ng father ko my karapatan daw ang company na tanggalin ako binigyan nila ako ng condition na pag tinanggal daw ako wala daw ako mkukuhang kahit anung claims for my 4 years of working history sa company, pero pag nagvoluntary resign daw ako babayaran daw nila ako. Anu po ba ang karapatan ko sa usaping ito. Pakimail nlng po sana sa email ko. .yung sagot tnx po in advance and more power hindi ko po kasi alam dapat kong gawin tnx po ulit idol. .

  12. Dear Sir Raffy                                                                                                                                                                                  Gusto ko pa sanang ilapit sa inyo ang aking relamo sa POST OFFICE CABANATUAN CITY NUEVA ECIJA…Mangyari po nagpadala po ng pera ang aking asawa galing sa japan nung sabado oct,22,2011..nagtext po sa akin ang staff ng POST OFFICE CABANATUAN,itong OCT,25,2011 SA  oras na 11:12 AM na may ems nga po aku na dapat pick upin sa kanila,na dapat po sana na trabho rin nila idelliver un sa bahay,pero ok lng po kung aku na nag´pick-up ang problema po ng aking matanggap ay bukas na po un ems na sobre at nakadikit na lng po siya ng tape at wala napo laman na pera ang aking sobre,sinabi ko po sa staff ng POST OFFICE CABANATUAN E ang sagot nila sa akin ay,HINDI NAMIN SAGUTIN KUNG MAY PERA O WALANG LAMAN YANG SOBRE MU INAAKSAYA KO LNG DAW ANG ORAS NILA MALAY DAW B NILA NA MAY PERA UN…SIR RAFFY hindi lng po aku nawalan ng pera nung arw na yun tatlo po kmi nauna lng po ung dalawa sakin na babae hndi ko nga lng po nalamn ung panglan ng iba at eto pa po hindi lng po kmi ang nawalan d2 maraming tao narin po kaya lng d cla kumikilos para aksyunan ang anumalyang pagkawala ng mga pera at bagahe,wala po cla karapatan na buksan ang hndi kanila lalot na po hindi nila pinaghirapan,umaasa po ako at ang ibang pang tao na nawalan at mawawalan pa sa POST OFFICE CABANATUAN,At higit sa lahat po ang pagtrato ng mga staff duon na walng respeto at pakiealam sa mga customers nila…humihingi po ako ng aksyon at pansin sa inyo para matigil na po ang gawain na buksan at nakawin ang hndi sa kanila…maraming salamt po….                        umaasa po:JENIFER MANALO ETO PO # KO 09179451302…                                                     

  13. good day po sir, ako po si dexter castro taga pangasinan may irereklamo po sana ako sa inyo tungkol po ito sa cheke na dapat po sana ay para sa akin ngunit na encashed po ng ibang tao na gumamit ng kapareho kong pangalan nag email po ako sa inyo kasi po hindi naman po eto basta bastang halaga lamang.nag aaply po kasi kami sa canada sa isang consultancy, yun pong cheke eh refund po namin yun sa naunang application namin sa canada.sa pagasang maibabalik po samin yung halagang yun sinakripisyo namin na humiram ng magagastos para makapag apply muli sa pangalawang pagkakataon.noon pong dumating sakin ang email na galing po sa canada almost 2 years po kaming naghintay sa refund namin eh ang akala po namin eh maibabalik na sa amin eh bigla pong hindi na pala kasi nga po na encashed na ng ibang tao na kapareho ko ng pangalan.nagkataon po na dun sa bankong pinagencashan ng pera eh may kakilala po ako at nakiusap ako na kung maaari eh tulungan nya akong makuha ang buong impormasyon nung taong nagwidraw ng pera na dapat sana sa akin.sumang ayon po sya kasi po kaibigan ko nga po at naintindihan nya yong saloobin ko..nakuha ko po ang buong detalye,address cellphone number at pati po mga ids na sinubmit nya sa pagbubukas po ng account ay nasa akin po sa pag asang sana eh maibalik yung perang para sa akin.maraming salamat po sir sana matulungan nyo po ako.eto po ang cp no. ko 09296434965

  14. sir good day po.
    QUESTION: ITO PONG MARTINEZ MEMORIAL HOSPITAL, sa may A.Mabini St., Caloocan City, tama po ba na maningil ng PF ang isang doctor kahit hindi pa po nya natitignan yung pasyente? may case po kasi na na-encounter ko ngayon oct 17, 2011, dinala po namin ang pinsan ko doon at napagpasyahan na po namin na huwag ng i-confine doon pero nagawan na po sya ng admission pero pina-cancel na po namin, ang sabi sa cashier ng magbabayad na kami eh may PF daw po yung Doctor pero hindi naman po namin nakita yung doctor. tama po ba na maningil ang doctor kahit hindi pa nya nakikita ang pasyente grabe naman PO itong OSPITAL NA ITO………. baka pwede nyo pong aksyonan itong pangyayaring ito ang sabi po ng cashier instruction daw po ito sa knila ng doc., pwede nyo po bang ma-aksyonan itong ganitong sistema ng doctor at ospital? Si Dr. Del Rio po ang name ng Doktor.

  15. sir, gusto ko lang po itanong kung anu po ang karapatan dapat naming matanggap mula sa gobyerno dahil nadaanan po ng road widening ang lupa namin at for cementing na po ito.ang ikinasasama po ng loob ko sir hanggang ngayon wala po kaming naririnig na balita kung mababayaran nila ang lupa at mga tanim na sinira nila.dumulog na po ako sa kinauukulan pero wala din po nangyari.ang sabi lang po nila wala daw budget para sa mga lupa na madadaanan kasi gobyerno din daw po ang gagamit.inaway ko pa ang contractor ng unang araw ng implementation ng project kasi wala po kaming alam dito.walng proper coordination sa mga land owners na madadaanan nila.humihingi lang po ako ng payo sir.ito po ang cp # ko 09214062307.maraming salamat po sa inyo.

  16. 01 Oct 2011

    Dear Sir Raffy,

    Good day!  This is regarding the above-post involving Hebron Christian College. The issues had already been resolved before the school year 2011 started. The main and mother school of New Zealand involved themselves in putting an end to the case.  In this regard,  may we request to please remove the said post above which has long been settled to shake off possible re-ignition of said case.

    Hoping for your understanding and consideration.

    Thank you and more power!

    MIke Maines

  17. Dear Sir RAFFY;
    Ako po si Crisanto Cabaltera, 35 yrs old. nakatira po sa 153 blk 35 Welfareville Compound Mandaluyong City.. ako po ay nagtrabaho sa Corporate Inn. ,tm kalaw cor. Maria orosa
    st. ermita Manila. Bilang building PAINTER. ako po ay nadisgrasya sa trabaho ng JULY 2 ,2011
    at napinsala po ang aking kanang mata. hanggang ngayon di pa po ako nakakapagtrabaho
    bilin po ng Doktor. Gusto ko pong magkaroon ng katiyakan at kasiguraduhan ang tulong na
    matatanggap sa aking Contractor na si JOSEPH”boboy”Palaming. Ipinangako nya sakin na
    sya po ang bahala at tutulong sa pagpapagamot at operasyon ng aking MATA”.
    Nagbibigay po sya nung unang dalawang linggo na sapat na tulong. Pero ngayon ay di na po siya nakakatugon ng maayos at kulang na po ung tulong na dapat ibinibigay nya sa akin.
    nakiusap po ko na bkit po ganun ang nangyayari. Tapos nagsabi po siya na magdemanda
    na kami o magsumbong pa sa mga katulad nyo.Di daw po sya natatakot kita na lng daw kami sa korte. Nagtitiwala po ako sa inyo kakayanan upang matulungan po ako sa aking kalagayan..ito po ang landline no#:8611401 at CPno#:09162059055 ng Contractor ..
    ito po ang Landline no#:532-11-21 at 526-5001,mam; JING…
    Maraming salamat po sana po matulungan nyo po ako sa aking problema…

    Lubos na gumagalang,
    CRISANTO CABALTERA
    no#09395911840

  18. magandng araw po sir raffy gs2 ko lng po sna hmingi ng 2long sa inyo gwa po kc nung pinag tatatrabahuhan ng mga kaibigan ko sa AVON WAREHOUSE NA HAWAK NG CATHALOG SHOPER … mabilis po sila tumanggap ng aplikante at mabilis din mag tanggal nag apply po sila nung june 30 at natanggap agad sila at pinag umpisa na nung aug 1 tpos pumirma po0 sila ng kontrata for 5months po sila mag tatrabaho napakaliit lng po ng dahilan ng kumpanya para tanggalin sila agad ang abi lng po kc nag ttawanan sw po sila habang nag tatrabaho samantalang yung iba nilang tinatanggal ay wla silang dahlan 1 month pa lng po sila nakkapag trabaho ay tinggal n sila eh my pinapirmahan ang kompanya s knla ng 5month contact tinatakot po sila n pag d cla pumirma ng resign contract d ibbgay yung natitirang sahod nila sir RAFFY sana po ay ma2lungan nyo sila sa knlang problema maraming salamat po….

  19. dear sir, Ako po si Judith R. Ortua, asawang mapayapang planholder ng loyola plan na si Emmanuel V. Ortua. Noong sya ay nagtrabaho sa Saudi Arabia,pinagsikapin namin bayaran ang plan na ito para sa aming anak at lubos na umaasa na sa tamang panahon ay makukuha namin ang kakulangan benipisyo para sa plan na ito.
    Noong november 2005, pumunta kami sa loyola plans international dyan sa lungsod ng maynila, sa kadahilanan na nag lapse daw ang plan ng asawa ko kasi inatake sa puso sa saudi at hindi nakabayad ng isang buwan kaya nakausp ko si Ms. Joan Medrano at ilinipat sa akinng pangalan ang plan noong november &, 2005, Receipt # C002854899. ang sabi po sa amin ni Ms. Joan ay pwede naming bayaran ito sa bicol kung saan kami nakatira.
    Pinag iponan ko ang pangbayad sa kanyang plano na inilipat na sa king pangalan.Pumunta ako sa opisina sa Naga city noong December 23, 2005 upang bayaran ang kaukulang multa at kakulangan sa aming plano at doon na rin namin ipanagpatuloy ang pagbabayad namin. sa hindi namin inaashan namatay ang aking asawa noong January 31, 2006, at naiwan sa akin ang aming tatlong anak.kahit mahirap ipangpatuloy ko po ang aking pagbabayad hanggang matapos kong bayaran noong May 10, 2006. 
    Dahil sa aking pagkaalam tapos na kami sa obligasyon sa pagbayad ng plan, kikuha ko na ang aming certificate of full payment na magpapatunay tapos na ako sa  aking pagbabayad. halos buwan buwan ko po ako nagfofollow-up mula noog 2006-2011 minsan linggo linggo pa akong tumatawag dito sa  Naga city pati rin sa Makati City wala man lang resulta. Sabi daw po ay nasa Internal Audit po yung papel ko na nasa kay Ms. Juna Tacod ang papel kongunit pagtinantawagan ko ay palaging nasa field. nilipat po ang opisina sa Legazpi city wala na sa Naga city na mas lalo pang lumayo sa amin dahil kami ay nasa Lagonoy Camarines Sur. Sana ay matulongan nyo kami sa aming suliranin.
    Pumunta po ako sa Makati noong nakaraan June 3, 2010 sa Loyola Plans Consolidated Inc. doon sa 849 A Arniaz Ave MAkati City.ito po ang sun # nila: 09228182959.humingi po ako sa inyo ng buong puso na tulongan nyo kami na makuha namin ang pera na na nararapat dahil sa hirap ng buhay at para sa tatlo kong anak na sa ngayon ay nag aaral ng kolehiyo.

    Lubos na gumagalang, 
    Judith R. Ortua

  20. Sir Raffy,
    Good day po,irereport ko lang po sana sa inyo ung mga nangyayari dito sa baranggay namin.,nagkaron kasi ng project ang goverment dito sa aming compound nilagyan nila ng kongkretong daanan ang mga residente dito sa amin.ngunit nais ko lang po sana malaman na totoo bang pag gumawa ng project ang gobyerno ay kulang sa budget.?dahil sabi ng baranggay captain dito sa amin ay kulang daw ang budget na inilaan sa pagpapagawa ng kongkretong daanan.taon na  po ang nagdaan hanggang ngaun ay hindi pa rin nila  naaayos ang daanan.taon na  rin namin tinitiis ang mabahong amoy na galing sa sa inde pa nagagawang daanan dahil na rin  sa doon lahat naiipon ang mgga tubig  na nangagaling sa ilang bahay.,sa  tuwing tatanungin rin namin ang baranggay opisyal dito ay wala silang masabing malinaw na sagot.,kaya ko po  sa inyo ko na inilapit ang problemang ito.,.meron akong mga litrato na pedeng ipakita sa inyo na nagpapatunay sa  proyektong  sinasabi nilang kulang sa budget,.sana po  ay matulungan nyo ang aming problema.,maraming salamat po.,
    sana

  21. dear sir raffy,
    magandang gabi po sir, nais po naming humingi ng tulong sa inyo tungkol sa kompanyang inaplayan namin na ECOMODA Marketing Company..kami po ay nag_apply sa kanila bilang office staff at pinangakuan ng trabaho sa oras n na bili namina ng produkto nila..ngunit ng kami po ay nakabili na ng mineral water pot na nagkakahalaga ng 2,998.00 aypinapirma nila kami ng pre-employment contract at pinagattend ng seminar at orientation..pinag OJT nila kami na ang usapan ay maximum 17 days lang ngunit di nila sinabi sa amin na pag di nakabenta ang ieevaluate namin na aplikante at di natuloy pumasok s kompanya ay mateterminate kami..ang sabi nila sa orientation ay siguradong pasok n kami sa trabaho at tapusin lang namin ang aming training..pwersahan kaming pinagreresign o iteterminate nila kami pag di kami nagresign..marami na kaming nabibiktima sir kung kaya lumapit na kami sa inyong tanggapan..umasa at gumastos kami ng libo sa pag_asang may trabaho na kami ngunit hindi naman po pala totoo marami po sa amin ang nagkabaon-baon na sa utang at di na alam kung paano pa muling makakahanap ng trabaho..ang masakit pa nito ay ng malaman nilang magsusumbong kami sa inyo ay sinabi nila na mineral water pot at 5 thousand lang ang katapat ni tulfo..hindi po kami naniniwalang totoo iyon sir kaya’t lumapit pa din po kami..
    isearch nyo po sa google sir ang ECOMODA MARKETING COMPANY at i_click nyo po ang sindikatong novartis..doon makikita nyo po kung gano na kami karaming biktima nila..dati po silang novartis at kran na ngyon ay ECOMODA..marami pa po kaming nais ilahad sa inyo ngunit sa personal po sana namin gustong sabihin sa inyo sapagkat may humahawak aw po sa kanilang reporter at opisyal sa gobyerno..
    maraming salamat po,more power at GOD bless u sir..

  22. Dear sir raffy,
    irereport ko lang po ang LGU po sa LOreto, Agusan del Sur, MINDANAO, imbes na po ipatupad ang salary standardization, hanggang ngayon eh nasa first phase pa lang. ang ibang municipality po kasi dito ay nasa final phase na po ng pag iincrease ng sahod. Kinokorap kasi ng mayor at ng mga galamay nya ang pera kaya ubos na. wala namang project na makikita. Puro over pa ang price ng lahat ng mga purchases nila. Ang topic palagi sa telebisyon eh ang pagtataas ng sahod, pero kami po dito sa LGU Loreto sa pangarap nlng po sa ngayon. kasi kahit na ipatutupad nlng matagal na sana hinaharangan pa ng mayor at ng mga ka alyado nya. wala naman kaming magawa. sana po mabigyan ito ng kasagutan. Maraming salamat po

  23. Sir Raffy,
    Nananawagan po ako sa inyo na sana maaksyunan naman po ng lokal na pamahalaan ang aming lugar dito sa Bagong Silang Caloocan City. Nangangailangan po kasi kami ng DRAINAGE IMPROVEMENT para po maisaayos ang kalsada upang hindi na bumaha at umapaw ang tubig kanal. Malaking problem po kasi ang umaapaw na kanal sa mga residente, apektado po ang aming mga bahy dahil pinapasok na po kami ng tubig kasama na ang mabahong amoy. Dahil po sa perwisyong kanal na ito, marami na pong nagkakasakit dahil pinamumugaran ng mga lamok at maraming langaw. Umaasa po kaming mga residente na aaksyunan ng brangay at lokal na pamahalaan ang problemang ito.
    Maraming salamat po & more powers!

  24. Good PM
    Sir Raffy,
    Sana po ay matulungan ninyo ang mga taong dumudulog at humuhingi ng tulong.
    malaking tulong po ang naibibigay ng inyong programa sa mga taong nangangailangan ng legal na aksyon.
    More powers to you and to your show.

  25. good day po sir raffy

         gusto po sana naming humingi ng tulong regarding yung titulo ng lupa na ayaw ibigay sa amin ng futuristic. kami po ay old tenant na rito. isang titulo pa lang po ang nai-grant samin. hindi po nila inaaksyonan kahit fina-follow-up po namin.. 1995 pa po namin inaasikaso yung mga titulo pero palagi po nilang sinasabi na ginagawa na po nila at bumalik nalang daw po kami sa susunod…  e napakatagal na po masyado.. bali po 16 years na po halos namin fina-follow-up.. sobrang tagal na po… nagkasakit at namatay na po ang nanay ko dahil sa panloloko nila… iba po ang sinabi nila sa pinirmahan po ng nanay ko… dinamdam po niya iyon kaya po siya nagkasakit… pinaniwala po nila siya at pinapirma kahit hindi po alam ng nanay ko kung tungkol saan po iyon… palibhasa ay wala pong pinag-aralan ang nanay ko kaya po nila napapayag… sana po ay matulungan nyio po kami.. 

  26. sir tulfu paki tulungan po kami sampu ng aking mga kasama nais po namin na maimbistigahan ang aming opisina tungkol sa aming (ITR) Income Tax Return, kc po kinakaltasan po kami ng tax ng aming Employer kahit na minimum wage earner lng kami, then kapg humuhingi kami ng ITR wala naman maibigay minsan pa nga may humingi sa min tapos ang ibinigay na ITR e walang recieve ng BIR, sir halos mg-3 years na po ako dito start ng maipatupad noong 2008 na ang mga minimum wage earner ay wala ng tax, ang aming employer ay patuloy pa rin sa pgkakaltas ng tax samin, sir mababawi pa po ba namin ang mga kinaltas sa amin, maraming salamat po, nawa’y matulungan nyu po kami,.

  27. gusto ko lang po i share at ipaalam narin po sa lahat ang ginawa ng North Caloocan doctors hospital sa amin nung abril 29,2011 bandang 10 ng gabi.itinakbo po ng ate ko ang anak kong nagtatae at sumuka ng gabing iyon…nakarating po sila dun para ipasok ng emergency ang bata..natingnan naman po ang kaso kailangan na daw pong i comfined ang bata dahil dehydrated na daw po ang bata pumayag po ang ate ko na maipa admit sa kanila sa takot narin baka kung ano ang mangyari…ang masakit po nito ayaw po nilang iadmit ang bata ng wala pang maibigay na pang down na isang libo..hospital policy daw po nila iyon at nung uuwi po ang mga kasama ng ate ko para kumuha ng pera at nangako na babalik para sa down ay di parin inasikaso ng mga nakatalaga na doktora at nurses don hang gang sa makabalik ang kasama ng ate ko dala ang perang dalawang libo upang maasikaso ang bata saka palng po inasikaso at hinanapan ng ugat ang bata nung dumating po ako sa ospital na iyon ang nadatnan ko pong nag hahanap ng ugat para pagkabitan ng swero ang nakalagay sa i.d nya ay MIDWIFE at ang kso po nun nakasalamin na yung gumagawa d pa cya cgurado sa ginagawa nya ang doktora naman pong nagpakilala sa ate ko ay naabutan kong nag babasa ng libro….halos isang oras po nilang hinahanapang ng ugat ang bata at walang tigil sa pag iyak d po rin nila nagawa kaya nung narinig kong kailangan daw hiwaan ang bata para makanitan ng swero umalsa na po kami ng ate ko upang mailipat ng ospital ang anak ko.sinuklian po nila kami ng 1,300 dun sa dalawang libong idinown ng ate ko sukli daw po iyon para sa mga nagamit na pag laboratory ng bata hindi po nila kami pinapirma na wala clang sagutin kung sakaling may mangyari sa bata..hinayaan nila kami makaalis ngunit di man lang cla nag offer na ihatid ng ambulancya man lang….8 months lang po ang anak ko kaya sobra akong dismayado na meron paring ospital na inuuna ang pera kesa makatulong sa nangangailangan…ang alam ko po kc aprubado napo ang REPUBLIC ACT 8344 dko lang po masyado alam ang nilalaman niyon …nakuha ko po ang pangalan ng doktor kso sa katarantahan dko na po makita ang papel na napagsulatan ko…sana po kung sakaling tama po ang nasa batas na iyon maipacheck po sana ang ospital naiyon kawawa naman po ang iba pang mapapadaan duon… maraming salamat po

  28. Dear Sir,
     Gud pm po! Hingi po ako ng tulong sa inyo meron po kasi nagsanla ng titulo na naka pangalan kay NOVA VILLANUEVA NILO.  Peke po pala tapos nag-isyu siya ng cheke na close account, ngayon po di namin alam kung saan siya nakatira. Ang nakakakilala sa kanya ay si RITA ORQUILLA, ito pong taong ito ang nadala dito sa bahay namin, bale po kapitbahay namin si rita, pagtatanungin mo siya kung saan nakatira si nova sinasabi niya wala daw po ito sa bahay nila. Matagal na po ako nagsasabi kay rita na samahan niya ako sa bahay ni nova nilo pero katwiran niya lagi busy siya. Sana po matulungan ninyo ako, marami na po kasing naloko si NOVA NILO para matigil na sila kanilang ginawang panloloko.
     Maraming Salamat po!

  29. Marso 28, 2011
    Mr. RAFFY TULFOItimbre Mo Kay Tulfo
    Host

    Mahal Naming Sir Raffy,

    Kami po ay samahan ng mga magulang ng mga batang may kapansanan na ang karamihan ay sa pandinig ang kapansanan (hearing impaired) na nagsisipag-aral sa isang Charitable Institution na nagngangalang Philippine Christian Fellowship for the Disabled (PCFFD) Inc. kaagapay ng Hebron Christian College (HCC) na nakabase sa Sampaloc, San Rafael, Bulacan.  Sa ilang taon pong pag-aaral ng aming mga anak sa naturang eskwelahan ay wala naman po kaming naging suliranin dahil sa maayos na pamamalakad at pakikitungo sa kanila ng mga guro at mga opisyales ng naturang eskwelahan dahil po sa ang pamunuan ng Special Education (SPED) Department ay nakabukod ng pamamahala.  Subalit, nito pong nakaraang pagpupulong ng mga namamahala sa Hebron Christian College na ang SPED Department ay isasailalim na sa pamamahala ng Regular class sa pamumuno ng bagong principal at isasapribado na ang aming departamento na dapat ay isang Foundation para sa mga may kapansanan, at iyon po ay lubos naming ikinalungkot.  Dahil dito, kami po ay buong kapakumbabaang dumudulog sa inyong tanggapan upang bigyang-pansin ang mga sumusunod naming mga hinaing at kahilingan:
    1.  Dahil po sa pangyayari na isasapribado na ang SPED Department, kundi man lahat, karamihan sa amin ay hindi na kakayanin pang pag-aralin dito ang aming mga anak dahil magkakaroon na po ng tuition fee na higit na mas mataas, imbes na monthly contribution lamang.  Ang iba nga po sa amin ay umaasa lamang sa sponsorship at scholarship ng DSWD at iba pang Charitable Institutions.  
    2.  Ang ikinasakit pa po ng aming loob ay ang pagwawalang-pagpapahalaga ng pamunuan ng Hebron sa lahat ng mga isinakripisyo at mga mabubuting ginawa ng mga namumuno at mga guro ng SPED Department dahil wala pong naganap na pagpupulong o konsultasyon man lamang sa amin na mga magulang at mga guro ng SPED na ito pala ay isasapribado na.  Ang lahat (mga magulang at mga guro at opisyales ng SPED) po ay nagulat na lamang sa biglaang desisyon na ito ng pamunuan ng paaralan.  
    3.  Napag-alaman din po namin na ang mga guro ay isa-isang kinausap, imbes na pinulong ng pangkalahatan, at inalok ng mas malaking sahod kesa dati nilang tinatanggap na allowance lamang dahil ito nga ay Foundation at ang kanilang pagtuturo ay isang misyon.   
    4.  Sa pagsasapribado nga po ng paaralan ay mawawala rin ang buwanang subsidy ng mga guro ng SPED Department mula sa DSWD na malaking tulong sa kanilang gastusin.
    5.  Sabi din po ng isang guro at opisyal din ng Hebron sa mga magulang na, “kung ayaw ninyong mag-enroll, di huwag kayong mag-enroll!”  Di ba’t ito ay isang pagpapakita ng pagiging arogante na hindi dapat makita sa isang guro?   
    6.  Ang una naming naging suliranin din ay ang mataas na graduation fee at ang graduation ceremony na nais naming ibukod ang sa SPED na naidulog na po namin sa Department of Education noong nakaraang Marso 14, 2011 at lagda naming mga magulang. Kaya po sa darating na pasukan iyon ang pinakamabigat naming suliranin, kung saan namin ipapasok ang aming mga anak.  Kaya naman po kami ay dumudulog sa inyo kung maaari po ay matulungan nyo kami na magkaroon ng isang eskwelahan o mai-refer sa isang public school or institution na makapag-aaral ang aming mga anak at makapagtuturo ang kanilang mga guro na mawawalan ng trabaho. Ang lahat po ng ito ay aming ginagawa sa kapakinabangan ng aming mga anak na may mga kapansanan at mga mabubuting guro ng SPED. Lubos po kaming umaasa na inyong matutugunan ang aming idinudulog na ito sa inyo.  Ang Panginoon na po ang bahalang magbalik ng kabutihan at pagpapala sa kagandahang-loob na maitutulong ninyo sa amin.  Maraming salamat po at pagpalain po kayo ng Diyos na Dakila.  Lubos na Gumagalang,

    Mike Maines
                                              

  30. sir, good day po sa inyo ako ay taga laguna sanpedro ngrreklamo po ako sa aking application dito sa meralco na c.i. po ako pero hindi naaprobahan dahil me isang requirements na hindi ko maibigay un po ay ang status ng lupa na tinitirikan ng aking bahay samantala marami po noon na ngaaply at napakabilis ng proceso phirapan po tlaga nais ko sana mgkaroon kame ng sariling ilaw dahil submeter po kami sa kapitbahay at npkmahal po ng per klwtt sa kanila. sana po mtulungan nyo po kme ng mgkroon po ng sariling kuryente mhigpit po sila mas gusto pa nila nkaseries lang kme, sana po mbsa po ninyo ang aking hiling at matugunan po ninyo marami pong salamat sana itago nyo nalang po ako sa aking hiling. arlene pegenia sanpedro laguna

  31. Dear Sir,

    Magandang araw po sa inyo at sa mga bumubuo ng inyong programa. Gusto ko lang pong humingi ng tulong sa inyo para maimbestigahan yung package na pinadala po ng asawa ko galing US. Last Feb. 16, 2011 pa po nya ipinadala yun, ang sabi po sa USPS sa America 6-10 days po nandito na, pero hanggang sa ngayon po ay wala pa rin. Tinawagan nya po ulit ang USPS ang sabi po naipadala na po dito sa Pilipinas. Araw-araw ko po tinatawagan ang Post Office sa Pasay at Manila pero lagi po nilang sinasabi na wala pa daw po sa kanila. Wala naman pong masyadong mahalagang bagay na nasa loob ng package, pero gagamitin po ng mga anak ko yun para sa graduation day nila. Marami na pong nagrereklamong tao, hindi po nakakarating ang mga package sa kanila.
    Kaya sana po ay maimbestigahan nyo agad kung anong anomalya ang nangyayari dyan sa Pasay at Manila Central Post Office.

    Heto po ang detalye ng package na ipinadala ng asawa ko.

    Sender : Arjoe B. Loanzon
    Recipient : Michelle H. Loanzon
    from : Sunnyvale Plaza Station Post Office
    Date sent : Feb. 16,2011 3:14 PM
    Tracking # : LC275361547US
    Weight : 2 lbs. 5.8 oz
    First Class Mail ( Parcel )
    Contact number : 09394265755

    Umaasa kami na mabigyan nyo kami ng positibong aksyon. Maraming, maraming salamat po kung anuman pong tulong ang maibigay ninyo.

    Lubos na gumagalang,
    Michelle Loanzon

Leave a Reply

Your email address will not be published.