TUNAY NA ‘ONE GREAT LOVE’: Xian Lim, all out ang suporta kay Kim Chiu!

Xian Lim and Kim Chiu

BONGGA ang KimXi (Kim Chiu at Xian Lim) dahil last Christmas Day ay magkasama ang magsing-irog na halos maghapon sila together.

Maaga sinundo ni Xi ang girlfriend sa bahay nito at sinamahan si Kim na bisitahin ang mga cinemas kung saan ipinapalabas ang pelikula niyang One Great Love together with Dennis Trillo and JC de Vera as her two leading men.

Ewan ko lang kung yayayain ni Kim ang boyfie na manood ng kanyang pelikula lalo pa’t for the first time, Kim did a very hot love scene with JC na for sure ay ikaka-selos ni Xian dahil very daring ang dalaga sa kanyang first attempt na makipag-love scene on camera.

Kim Chiu and Dennis Trillo

 

Base sa feedback ng mga nakapanood na ng pelikula, kakaibang Kim Chiu ang napanood nila MMFF 2018 entry ng Regal Films. Dahil maganda ang story, casting at direction, napanalunan nito ang 3rd Best Picture Award pati na rin ang Best Musical Scoring. Ang ‘bes’ naman ni Kim sa pelikula na si Dennis Trillo ang nanalo na Best Actor na deserving naman talaga dahil sa kanyang effective portrayal bilang best friend turned husband ni Kim na wagas ang pagmamahal.

Palabas pa rin ang ‘One Great Love’ kaya sugod na sa mga sinehan!

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

One thought on “TUNAY NA ‘ONE GREAT LOVE’: Xian Lim, all out ang suporta kay Kim Chiu!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.