Tumutulong daw sa nangangailangan Willie Revillame, ‘di type pumunta sa mga nasalanta ng bagyo?!

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Thanks God it’s Friday na naman at more chikka more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly. Bonggang-bonggang eksena na naman ‘yan, matatawa kaya kayo o hindi? Maloloka kayo sa Earth dahil mawiwindang talaga kayo!

Kumusta naman kaya itong si Jinkee Pacquiao dahil hanggang ngayon hindi pa rin maka-move on ang mga tao dahil sa retoke issue niya. At take note, may nag-chikka sa ‘kin na naloka raw sila noong nakaraang araw nang magpunta raw sila sa mall. Naloka nga ako sa isang kaparazzi natin nang biglang sabihin na akala raw niya, may maagang Holloween party, dahil nakita nga raw nila roon si Jinkee na napagkamalan niyang white lady, dahil sa sobrang over na over na talaga at akala mo winax ang mukha niya sa sobrang kintab. Hindi na nga maganda ang naging epekto sa kanya ng pagiging retokada queen niya.

At heto pa ang mainit na chikka. Ok lang naman ang isyung ‘yan, kaya lang ang mas matinding eksena dito ay hindi raw namansin at suplada pa! Naku, kaya naloka ang mga taong naglapitan sa kanya, inalisan na lang siya at sinabing akala mo naman talaga kung sino siya!!!

Anyway hayaan na lang natin siya dahil ang mase-sey lang natin d’yan, kaparazzi, ‘wag kang masyadong magmaganda! Pak!

AT SPEAKING OF akala mo naman kung sino siya… naku, ‘te, nakakaloka naman itong TV host na ito na akala mo naman talaga kung sino. Si Willie Revillame ba itey na ayaw raw talagang pumunta sa mga eksena ng mga nakakaawang tao na  nasalanta ng bagyo, dahil pagkakagulan daw siya?

Take note na naman, ‘te… kumusta naman kaya ‘yun? Kung sina Shamcey Supsup at Manny Pacquiao nga ay talaga namang pupunta sila kung saan nila gusto, kahit pagkaguluhan sila makatulong lang, ‘te.

Kung gusto mo talagang tumulong, kahit pagkaguluhan ka pa ay gogora ka na, at talagang kahit ano pang eksena d’yan basta sa TV show mo, keri lang pagkaguluhan ka.

Eh, ‘di ibig sabihin, ka-showbiz-an lang ang ipinapakita mo?! Naku, naman ‘te… magpakatotoo ka na lang, para ‘yung dahilan mo, understood! Hahaha! Kalurkey!!!

BLIND ITEM: SINO naman kaya itong actress na ito na talaga namang ayaw aminin na hanggang ngayon ay sila pa rin ng dyowa niya?

Naku, kaya pala hindi pa rin niya inaamin ay para maka-aura pala siya sa ibang otoko. Naku, ‘te… sino naman kaya ang nilalandi mo ngayon? ‘Pag nalaman kaya ‘yan ng dyowa mo, ano kaya ang gagawin niya sa ‘yo? Hahaha!

Kaloka naman!! Baka mahuli ka, ha?!

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipag-malaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. At siyempre every Saturday, sa mga kababayan natin sa UK, i-type lang sa internet ang PINOYRADIOUK, 7:00-9:00 PM, Manila time. Badjao! 

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleSef Cadayona, type makalaplapan sina Coco Martin at Sid Lucero!
Next articleJohn Lloyd Cruz, magaling nang magpalusot!

No posts to display