Tumiwalag sa tropa, inatado ng saksak Kelot, nilapa ni bulldog

PATAY ANG ISANG 18-anyos na binata matapos itong tadtadrin ng saksak ng suspek nang malaman kumalas ang una sa kanyang mga ka-tropa kahapon ng hapon sa Malabon City.

Dead-on-the spot sa lugar ng pinangyarihan ng krimen sanhi ng tadtad ng saksak ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Marvin Mendoza, binata, ng Dumpsite, Brgy. Catmon, Malabon City.

Nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang pulisya para sa tunay pagkakakilanlan sa suspek na nakilala lamang sa alyas Bulldog na mabilis na tumakas matapos ang pamamaslang.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Sapadaka St., Brgy. Catmon ng nasabing lungsod.

Nakatayo ang biktima sa naturang lugar nang lapitan ito ng suspek at pinagsasaksak. Sa kabila ng tama ng saksak sa katawan ng biktima ay nagawa pa nitong maka-takbo.

Subalit, hinabol pa rin ito ng suspek at nang maabutan ay hinalihaw ito ng saksak at sinigurong hindi na mabubuhay pa, dahilan ng agarang pagkamatay ng biktima.

Matapos ang insidente, tumakas ang suspek sa di-malamang direksyon dala ang ginamit na patalim sa krimen.

(MARY H. SAPICO)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.