Tumimbuwang sa Harap ng Bangko; Lolo, Dedo

HINDI NA nakapag-withdraw ang isang lolo matapos mawalan ng malay at bumagsak sa semento hanggang sa mamatay sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Hindi na nadala sa ospital si Ernesto Soriano, 60 ng Sanchez St., Tinajeros ng lungsod.

Sa ulat, alas-3 ng hapon, papuntang Metro Bank sa Tinajeros ng lungsod ang biktima upang mag-withdraw sa ATM subalit ilang hakbang na lang ay biglang bumagsak sa sementadong kalsada.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang ikinamatay ng biktima.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.