Tumilapon sa Motorsiklo, Nagulungan pa ng Truck; Rider, Patay

ISANG RIDER ang nasawi matapos na tumilapon mula sa kanyang motorsiklo at magulu-ngan ng dump truck nang mawalan ng preno kamakailan sa Taguig City.

Dead-on-the-spot si Roderick Hisaran, 31, ng # 21 San Sebastian, Kawit, Cavite.

Lumalabas sa pagsisiyasat ni P03 Jerry Ricablanca, ng Station Investigation Division (SID), Taguig City Police, nangyari ang insidente dakong alas-11:40 ng gabi, malapit sa Hagonoy Pumping Station, C-5 Road, Bgy. Hagonoy ng naturang lungsod.

Nabatid na minamaneho ng biktima ang kanyang Honda motorcycle na may plakang UI-5914 sa  kahabaan ng southbound lane ng C-5 Road nang mawalan ng preno at magresulta sa kanyang pagtilapon sa kabilang  lane.

Paparating naman ang isang dump truck na may plakang RHP-763, na minamaneho ni Romeo Reyes Jr., 44, may asawa, taga Block 6, Lot 5, Percon St., Brgy. Tin-Tin, Tandang Sora, Quezon City kung saan  nagulungan ang  biktima.

Samantala, nasa kustodya na ng mga kinauukulan ang driver ng truck at patuloy na sinisiyasat ang nasabing insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.