Tumanggi sa tagay Kasambahay, ni-rape ng 3 tindero

ISANG 23-ANYOS na dalaga ang pinagtulungang gahasain ng tatlong tindero sa loob ng palengke sa Harmony Hills II, Brgy. Loma De Gato, Marilao,kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Bulacan Police Director Senior Supt. Fernando H. Mendez Jr. ang mga suspek na sina John-John Fernandez, binata; Renato Fernandez, 19, pawang mga tindero sa palengke at residente ng Blk. 11 Lot 10, Harmony Hills II, Brgy. Loma De Gato; at isang alyas J-R, na mabilis na nakatakas.

Base sa report ni Supt. Gerardo Andaya, Marilao Police Chief, nangyari ang krimen bandang alas-9 ng gabi.

Nabatid na masaya umanong nag-iinuman ang mga suspek nang mapadaan ang biktimang si ‘Michelle’, dalaga, kasambahay sa nabanggit na barangay nang alukin ito ng mga suspek na uminom na agad namang tinanggihan nito.

Dahil sa ginawang pagtanggi ng biktima, hinila umano ni John-John ang biktima papasok sa palengke kung saan pinagtulungang hubaran ng mga suspek ang biktima at hawakan ang kanyang paa at kamay at halinhinan siyang pinagsamantalahan.

Ilang minuto lang ang lumipas matapos ang insidente, nakakuha ng pagkakataon ang biktima na makatakas sa mga suspek, agad na nagsumbong sa kanyang ama na siya namang humingi sa tulong sa mga barangay tanod na madakip ang mga suspek.

Samantala, kasong Rape in Relation to R.A. 8353 ang kakaharapin ng mga suspek na nakakulong sa Marilao Municipal Jail, matapos magpositibo sa isinagawang eksaminasyon ng medico legal ng Scene of the Crime Operatives.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.