Tumalon mula sa roofdeck ng gusali Bebot, durog!

WALA NANG buhay nang madatnan ng awtoridad ang isang babae matapos itong tumalon sa isang gusali sa may Garnet Road, Ortigas, Pasig City bandang alas-9:25 kahapon ng umaga.

Nakilala ng isang barangay kagawad na si Melvin Villaluz ang biktima na si Josephine Maranan, 45-anyos, residente ng Sampaloc, Maynila na isang distributor ng spare parts.

Nahirapan ang mga pulis na kilalanin ang biktima dahil sa lasug-lasog na katawan nito at wala nang ulo nang matapuan.

Sa roof deck ng Prestige Tower tumalon ang babae, na nasa ika-27 na palapag, ayon sa imbestigasyon ng mga pulis.

Ayon sa security guard, alas-8:45  kahapon ng u-maga nang pumasok si Maranan sa loob ng gusali. Mga alas-9:20 kahapon ng umaga nang magsisigaw ang babae at nagpapakita ng senyales na tatalon ito. Pinipigilan diumano ang biktima ng security guard ngunit patuloy ito sa pag-atras.

Batay sa pulisya, dapat tumawag nang mas maaga ang pamunuan ng nasabing gusali upang naiwasan u-mano ang aksidente.

Natagpuan ang brown na bag ng biktima, na may lamang P2,000 hanggang P3,000 at tsinelas nito. naroon din sa kanyang bulsa ang visitor’s ID.

Ayon sa isang nakakita ng insidente na si Jason Magsino, naglalakad umano siya sa may Garnet Road nang may nahulog na akala niya basura ‘yun pala, katawan ito ng babae na wala ng ulo.

Bakas pa sa nanginginig na nakakitang si Magsino ang dugo ng biktima sa kanyang damit. Patuloy na tinutukoy ng pulisya ang huling katransaksyon ng babae sa gusali bago magpakamatay. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.