Tumalon mula sa 2nd floor ng bahay Kasambahay, Nakatakas sa Pambababoy ng Amo

PINALAD NA mabuhay ang isang 29-anyos na kasambahay makaraang tumalon ito sa ikalawang palapag ng bahay na pag-aari ng isang Muslim na umano ay paulit-ulit na gumahasa sa biktima sa loob ng bahay ng suspek sa Bagong Silang, Caloocan City, iniulat ng pulisya kahapon ng umaga.

Ang biktima ay itinago sa pangalang “Leticia”, 29, may-asawa, at residente ng Block 20, Lot 6, Minuyan Road 1, San Jose Del Monte, Bulacan.

Kaagad namang naaresto ng mga elemento ng Caloocan PNP ang isa sa dalawang Muslim na suspek na nakilalang si Malic Maruyan Abdula, 27, ng Phase 12, Tala, Brgy. 188, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Kasalukuyan namang hinahanap ng nasabing himpilan ng pulisya ang isang alyas “Palispis” na siyang katulong ng naarestong suspek na lumapastangan sa biktima.

Base sa isinagawang im-bestigasyon ng Women’s and Children Concerned (WCCD) Desk ng Caloocan City Police, una umanong pinagsamantalahan ni Malic ang biktima noong nakalipas na Julyo 21, ng taong kasalukuyan, dakong alas-7:30 ng umaga sa loob ng bahay ng suspek sa nasabing lugar.

Ayon sa biktima, dinala siya ng kanyang among babae na si Inor Abdula, nasa hustong gulang, ng Benjamin Village, Tongco, San Jose Del Monte, Bulacan sa bahay ng kanyang kapatid na suspek para umano ipagahasa.

Sinabi pa ng biktima, kapag siya ay gagamitin ni Malic, pinahihithit umano muna siya ng Shabu at kapag tumatanggi siya sa makamundong pagnanasa ng suspek ay pinupukpok ang kanyang dalawang paa  at pinapalo pa umano ng baseball bat ang kanyang mukha.

Nang makakita ng pagkakataon ang naturang babae ay naglakas-loob itong tumalon sa ikalawang palapag ng bahay ng suspek para takasan ang ginagawang pangmomolestiya at pagpapahirap sa kanya ng nasabing Muslim.

Kaagad namang umuwi ang biktima sa bahay ng kanyang ina para isumbong ang naganap niyang karanasan sa kamay ng suspek na kaagad namang ipinagsama sa himpilan ng pulisya upang magharap ng reklamo laban kay Malic.

Agad namang nagsagawa ng police follow-up operation ang Caloocan City Police na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa loob ng kanyang bahay na naaktuhan pang gu-magamit ng nasabing droga.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.