Tumakas sa mga holdaper, patay

RIZAL – PATAY ANG isang truck driver matapos na pagbabarilin ng mga holdaper na tinangka niyang takasan kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Taytay.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Arnulfo Fanegro, 42 anyos, may-asawa, residente ng Bonifacio St., Malumanay Road, Purok 2, Sitio Lupang Arienda, ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ni PO2 Nythan Hung naganap ang insidente dakong ala-1:20 ng madaling-araw sa Abnay Purok 3, Lupang Arenda, Taytay, Rizal.

Nabatid na sakay ng isang delivery truck ang biktima kasama ang isang pahinante nang harangin ng grupo ng kalalakihan kasabay ng pag-dedeklara ng holdap.

Isa sa mga suspek ang agarang lumapit at tinutukan ng baril ang biktima at sa pagkabigla ay nadiinan ang selinyador ng trak kung kaya’t sumibad ito na ikinairita ng una.

Agad na nagpaputok ang suspek at tinamaan ang biktima sa kaliwang bahagi ng tiyan.

Nataranta rin ang iba pang kasamahan ng suspek na nagkanya-kanya na rin ng takbuhan kung kaya’t hindi nagtagumpay ang tangkang panghoholdap.

Nagawa pang isugod sa pagamutan ang biktima subalit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.