Tulong ng gobyerno sa mga biktima ng lindol, ‘di sapat

HINDI PA rin sapat umano ang tulong ng national government sa ilang lugar na labis sinalanta ng magnitude 7.2 quake sa lalawigan ng Bohol at Cebu.

Sinabi ni Loon, Bohol Mayor Llyod Lopez na pawang initiative pa lamang ng kanilang local crisis management commitee ang ginagamit sa pagtugon sa pangangailangan ng kaniyang mga kababayang nabiktima ng kalamidad.

Inihayag pa ng opisyal na mahigit 38,000 na residente ng kanilang bayan ang naapektuhan habang 41 ang kumpirmadong namatay.

Ang bayan ng Loon ay 28 kilometro ang layo mula sa sentro ng lalawigan, ang Tagbilaran City.

Ayon sa opisyal, higit-kailangan umano nila sa ngayon ay pagkain at suplay ng malinis na tubig.

“Wala pa kaming natanggap na tulong mula sa Red Cross, DSWD. As of this time, initiative pa ito ng local crisis management council. Sa amin pa lang ito lahat, wala pang ibang tulong mula sa labas,” ani Lopez.

Samantala, binanggit pa ng alkalde na nahihirapan umano silang kumilos sa ginagawang recovery operations dahil sa kawalan ng gamit at suplay.

“Kami ay nangangai-langan ng tulong, specially immediate food and water, medicine at mga used clothing. Iyan ang mga kailangan namin, dahil wala talagang natira.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.