Tulong mula sa public attorney’s office (2)

ANG PAO LAWYERS ay maaaring tawagan o “on call” ng iba’t ibang presinto ng pulis upang makapagbigay ng libreng tulong na legal sa mga taong hinuhuli o iniimbita ng mga pulis upang sumailalim sa isang imbestigasyon o interogasyon. Maaaring tawagan ng mga awtoridad ang mga nasabing abogado anumang oras na sila ay kailanganin para sa ganitong uri ng legal na pag-agapay. Ang mga presinto natin ay may mga logbook ng mga pangalan ng mga nakatalagang Inquest/Night Duty sa bawat araw.. Sa mga ganitong uri ng gawain ay hindi na po hinihingan ng kwalipikasyon ang mga nasabing tao maging sila ay mayaman o mahirap. Sa mga peligrong oras na iyon ay binibigyan sila ng PAO ng pansamantalang libreng tulong na legal.

Bukod dito bilang “PAO legal information dissemination program”, ang PAO ay nakikipagtulungan din sa tri-media upang maipaabot sa sambayanan ang mga legal na usapin, tanong at kasagutan sa batas para sa kamalayan ng mga tao. Meron ding isinasagawang aktibidad ang PAO na “barangay legal outreach” kung saan ang mga abogado ng PAO ay bumibisita sa mga Barangay para maipaabot ang libreng tulong na legal sa mga mahihirap na tao ng lipunan upang maghari ang katarungan at kapayapaan.

At kung may nakasampang kaso na at may utos ng husgado ay kailangang ipagtanggol bilang “counsel de oficio” ang kahit na mayamang tao at may kakayahan na kumuha ng abogado. Katulad na lamang sa kaso ng dating Pangulo ng Pilipinas, Joseph Ejercito Estrada at Senator Jinggoy Estrada. Noong Pebrero 2002, nang pagtatanggalin ni President Estrada ang kanyang mga pribadong abogado, ang Sandiganbayan, ay nagtalaga ng 8 abogado para sa defense team ng dating pangulo sa kanyang kasong Plunder, Perjury at Illegal Use of Alias. Apat sa mga abogadong ito ay public attorneys. Makaapat na formal na hiniling namin na ang PAO ay maka-withdraw bilang mga abogado ng dating Pangulong Estrada subalit hindi pumayag ang Sandiganbayan upang matapos na ang pagdinig ng hukuman sa mga nasabing kaso. Walang nagawa ang PAO at ang inyong lingkod kundi sumunod sa nasabing utos ng husgado. Pagkatapos ng 2 buwan ay pinayagan na ako ng Sandiganbayan na ma-relieve bilang abogado sa kaso ni President Estrada subalit pinaiwan pa rin ang mga PAO lawyers na kasama kong naitalaga.

Bagamat ang pangunahing mandato at papel ng PAO ay ang pagsilbihan ang mga mahihirap, ayon sa dikta ng batas, Constitution at utos ng husgado, ang PAO ay maaaring magbigay ng pansamantala, probisyonal at limitadong pagtulong maging sa mga may kakayahang kumuha ng pribadong abogado. Buwan-buwan ay may report na isinusumite ang mahigit 1,000 PAO attorneys ng Pilipinas na kasama ang PAO regular at limited services.

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

loading...

7 thoughts on “Tulong mula sa public attorney’s office (2)

  1. Tanong lng po isa po akong ofw ksalukuyang ngttrabaho dto s middle east.ng mgabroad po aq nlayo s pamilya pinamahala q s asawa q ang aking mga anak.ngayon po lahat ng naipundar q binenta nya..ung pinadala ko pong 50 thousand nilustay nya.at ung pinundar q binenta nya ang masakit p nito nd n nya binabayaran ang bahay n kinuha nya s pagibig at ng mgpadala ng sulat ang developer ng naturang pabahay rerematahin po nya ang bahy kc po nd nya binayan my utang pong 30k ang ginawa q po aq n ang ngbayad at pinangalan n skn ang bahay ngayon hiwalay po kmi ng pitong taon n pro umuuwi xa s bahay ko pg wala siyang trabaho gmit ng ilaw tubig nd po nya binabayaran.nd dw po xa aalis dun hangat nd q xa bibigyan ng pera so ano po ang dapat kong gawin

  2. Magandang umaga po. Hihingi lang po sana ng tulong and advice. Ang kapatid ko po ay nakulong dahil sa salang child abuse.  sa pagtatag ng fraternity at tinatuan ang batang kaanib.  Makukulong din daw po ang kapatid ko pag hindi kami nakapagpiyansa, pero wala naman po kaming pera pangpeyansa.  
    At Nakita po nang magulang ang tato at nagalit ito. Sinaktang po ang kapatid ko nang ama nang bata ano po ang pwede naming gawin sa bagay na iyon. 

  3. hello po gud pm hihingi po sna aq ng  tulong kc po ang kptid ko  nsangkot po s holdapan hnd po xa ang ang gmwa kso po sya ang nhuli at ang sb ng bktima my nkuha dw p s knya kht wla nmn.!cnmpahan  po xa ng robbery at illegal of deadly weapon. ano po b ang maari nmn gwn my hearing n ppo s 22 wla p po kme abugado wla po kme kkyahan n  kmha ng abugado aq ay kasambhy lng at nnay ko ay ngbbalot  lng sna po mtulungn nyo po aq slmat.!

  4. Dear Atty. Acosta, ako po ay galing sa mahirap na pamilya.. Ako po ay pinag taksilan ng aking asawa. Masyado kopo dinamdam ang pangyayari nayon. Mula po ng malaman ko na may babae sya hindi napo ako makatulog makakain at iyak po ako ng iyak.. pati po mga bata ay naaapektuhan sa twing makikita nila akong umiiyak. may ibedensiya po ako na lumabas ng bansa ang aking asawa kasama ang babae nya. gayun din po meron din po sila na sex photos na nakuha ko sa cellphone ng mister ko.. ano po ba dapat kong gawin. Makakasuhan ko po ba sila? Sana po ay matulungan po ninyo ako. Umaasa Maricar.

  5. Maari bang ipublish ang litrato ng isang taong nanloko sa akin at  tinangay ang aking pesos75k.  Meron ba tayong batas na ipinagbabawal na gamitin ang Facebook para humingi ng tulong sa social media para hanapin ang taong ito.    If I do this, can I be sued for slander and defamation.  I live in Bahrain and the person is in Manila.

    I would greatly appreciate your advice.

    Thank you.

Leave a Reply

Your email address will not be published.