Tulay Hindi Madaanan nang Pasabugan ng ASG

PERWISYO ANG dulot sa mga motorista ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) nang hindi pa rin madaanan ang isang tulay na kanilang pina-sabog sa bayan ng Patikul, Sulu.

Sa ulat na ipinarating ni AFP Western Mindanao Command Public Information Officer Lt. Col. Randolf Cabangbang sa Camp Aguinaldo, alas-1:45 ng hapon kamakalawa nang taniman ng bomba ang Tangan-tangan Bridge sa Brgy. Taung dahilan para mawasak ito.

Bunsod nito, hindi naman agad nakumpuni ang naturang tulay dahilan para maghanap ng alternate route ang mga motorista.

Matatandaang pina-sabog din ng mga bandido ang nasabing tulay ilang buwan na ang nakararaan.

Naniniwala naman ang militar na ang patuloy na pagpapasabog ng Abu Sayyaf sa nasabing tulay ay isang pagpapatunay na ayaw nila ng mga pagbabago sa kanilang lugar.

Samantala, sa kabila ng panibagong pana-nabotahe, nagpapatuloy pa rin ang iba’t ibang humanitarian projects ng militar sa probinsiya. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.