Tulak, Todas sa Boga

PATAY ANG hinihinalang drug pusher matapos barilin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay naglalakad sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa ulo si Jimmy Ponce, 36 ng Golden Homes, Dasmariñas, Cavite.

Batay sa ulat, ala-1 ng umaga, naglalakad ang biktima sa L. Ponce St., Gen. T. De Leon ng lungsod nang barilin ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek at iniwang nakatimbuwang ang biktima.

Nakuha sa katawan ng biktima ang apat na sachet na hinihinalang Shabu at P27,000 na cash.

Nagsasagawa na ng im-bestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente, kung saan sinasabing sangkot sa pagtutulak ng droga si Ponce.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.