Tulak, tiklop sa buy-bust operation

SHOOT SA KULUNGAN ang isang binata na hinihinalang drug pusher matapos maaresto ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Nakapiit sa detention cell ng District Anti-Illegal Drug Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ang suspek na si Ronald Casidsid, 38, ng #5157 San Gregorio St., Gen T. De Leon, Valenzuela City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:30 ng hapon nang maa-resto ang suspek sa Riverside, Libis Baesa, Caloocan sa isinagawang buy-bust operation ng SAID-SOTG nang makatanggap ng tawag ang mga ito hinggil sa talamak na pagbebenta ng iligal na droga ni Casidsid.

Isang surveillance ang agarang isinagawa ng mga awtoridad sa naturang lugar at nang maging positibo, agad itong tinungo kung saan isa sa mga pulis ang nagpanggap na poseur-buyer.

Aktong iaabot na ng suspek ang isang sachet ng Shabu kapalit ng P500 na mark money hanggang sa hindi na ito nakapalag pa nang posasan ng mga pulis.

Si Casidsid ay nahaharap sa kasong Section 5, Art 2, RA 9165 (Sale of Dangerous Drug) sa tanggapan ng Caloocan City Prosecutors office.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.