Tulak, Patay sa Pamamaril sa Maynila

PATAY ANG isang lalaking hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos pagbabarilin ng kapwa umano drug pusher sa Arellano Street sa Malate, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasabing bitkima na si Jobert Aurege, 33-anyos.

Base sa report, may humahabol sa biktima bago ito paputukan at bumulagta.

Sinabi ni Ret. Major Ben De Jesus, residente sa lugar, na lumapit pa sa kanya ang biktima at ikinuwento ang pagkakaligtas mula sa pagbaril sa kanila ng isang drug pusher na alyas “Blato” sa kalapit na kanto sa lugar.

Samantala, hindi pa naman tukoy kung sino ang nasa likod ng pamamaril.

Sa ngayon, iniim-bestigahan pa ri ng mga kinauukulan ang naturang krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.