Tulak ng damo sa mga estudyante, tiklo

NADAKIP NG MGA awtoridad ang isang hinihinalang drug pusher na nagsusuplay ng Marijuana sa mga estudyante sa ilang pampublikong eskuwelahan nang maaktuhan itong nag-aayos ng kanyang mga produkto sa kalsada kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Nakapiit sa detention cell ng Malabon Police at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Anti-Dangerous Drugs Law ang suspek na si Jessie Boy Tolentino, 20, ng Brgy. Tañong ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ng Malabon Police, dakong alas-4 ng madaling-araw nang maa-resto ang suspek sa kahabaan ng Manapat St., Brgy. Tañong malapit sa dalawang paaralan na kanyang sinusuplayan.

Kasalukuyang nag-iikot ang mga barangay tanod sa naturang lugar nang mapansin ng mga ito ang suspek na abala sa pag-ayos ng kanyang mga itinitindang pinatuyong dahon ng Marijuana.

Dahil dito, agad itong nilapitan ng mga barangay tanod at nang mapaikutan ito ay hindi na nagawa pang makatakas ng suspek at nang kapkapan ay nakuha pa sa isang coin purse ang sampu pang plastic sachet na naglalaman ng Marijuana bukod pa sa hawak-hawak nito.

Sa himpilan ng pulisya, nalaman na kilalang pusher ng iligal na droga ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.