Tulak, Nagbenta ng Bato sa Parak

KALABOSO ANG lalaki na nagbenta ng Shabu sa pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Jeffrey Escaran, 32, ng Daisy St., North Bay Boulevard South ng lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis hinggil sa pagbebenta ng Shabu ng suspek.

Alas-8:20 ng gabi, nagkasa ang buy-bust operation ang mga pulis sa Pantay-Pantay St., Tangos at nang iabot ng suspek ang sachet ngSshabu kapalit ng P1,000 sa pulis na umaktong bibili ay agad na dinamba si Escaran at dinala sa presinto.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.