Tulak na Bebot, Kulong sa Damo

ISANG 38-ANYOS na babae na nagtutulak ng Marijuana ang nalambat ng mga elemento ng Station Anti-Illegal Drug-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ng Caloocan City Police sa isinagawang buy-bust operation sa nasabing lungsod kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Chief Insp. Jackie C. Candelario, hepe ng Caloocan City Police SAID-SOTG ang naarestong suspek na si Sherill Raquepo y Paraiso, alyas “Beng”, 38, walang asawa at residente ng # 111 Banal St., Brgy. 140, Bagong Barrio, Caloocan City.

Ayon kay Candelario, maraming residente sa nasabing lugar ang ilang ulit nang tumatawag sa kanyang tanggapan at inirereklamo ang iligal na pagbebenta ni Raquepo ng Marijuana.

Kaagad na inatasan ni Candelario ang kanyang mga tauhan na sina PO3 Ferdinand Medina, team leader, PO3 Jeffred Pacia, PO3 Joel Rosales at PO2 Evan Santos na magsagawa agad ng buy-bust operation laban sa suspek.

Isa sa mga nasabing pulis na si PO3 Rosales ang siyang nagpanggap na buyer ng Marijuana at sa puntong tinatanggap ni Raquepo ang halagang P1,800 mula sa naturang pulis kapalit ng binibiling Marijuana ay agaran itong inaresto.

Nakumpiska sa suspek ang isang kulay puting digital scale, dalawang piraso ng self-sealed transparent plastic na naglalaman ng hinihinalang Marijuana at ang nasabing halaga na ginamit sa buy-bust operation.

Ang suspek na si Raquepo ay nakapiit ngayon sa detention cell ng SAID-SOTG at nakatakdang ipagharap ng kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11 ng Article 9165.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.