Tulak, Laglag sa Parak

NATAPOS NA ang pagtutulak ng Shabu ng isang binata matapos madakip sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si William Monteverde, 42, ng E. Martin St., Santolan ng lungsod.

Nabatid na may nagnguso sa suspek na nagtutulak ng Shabu na naging dahilan upang magkasa ng buy-bust operation sa nasabing lugar, alas-8:30 ng gabi.

Nang iabot ng suspek ang isang sachet ng Shabu kapalit ng P500 ng pulis na poseur-buyer ay agad na dinamba ang una at dinala sa presinto.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.