Tulak laglag sa buy-bust

LAGLAG ANG ISANG 42-anyos na lalaki na hinihinalang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng District Anti-Illegal Drug-Special Operation Task Group – Northern Police District, makaraang mahulihan sa akto ng ipinagbabawal na droga ang una kamakalawa ng umaga sa Valenzuela City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng DAID-SOTG-NPD at nahaharap sa kasong R.A 9165 sa tanggapan ng Valenzuela Prosecutor’s Office ang suspek na si Eduardo Lacap, 42, ng No. 75 A. Dela Cruz St., Arkong Bato, Valenzuela City.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Romeo Ricalde Jr., ng DAID-SOTG-NPD, dakong alas-8:00 ng umaga nang madakip ang suspek sa loob ng bahay ng suspek sa naturang lugar.

Ayon kay Ricalde, nakatanggap sila ng text sa “Subukan Mo Ako Txt program” ni District Director Chief Supt. Antonio Decano, na lantaran ang pagbebenta ng Shabu ng suspek sa nasabing lugar.

Dahil dito, bumuo ang team ang DAID-SOTG NPD, na nagresulta ng pagkakadakip sa suspek, kung saan nakuha mula rito ang 1 plastic sachet na naglalaman ng Shabu at P300.00 na mark money.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.