Tulak Laglag sa Bato

SHOOT SA KULUNGAN ang isang hinihinalang drug-pusher ng ipinagbabawal na droga matapos itong madakip ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng tanghali sa Caloocan City.

Ang suspek na kasalukuyang nakakulong sa detention cell ng Caloocan police ay nakilalang si Eduardo Cortes, 43, ng No. 4437 Duhat St., San Vicente Ferrer, Brgy.178, Camarin, Caloocan City.

Sa ulat ng Station Anti-Illegal Drugs – Special Operation Task Group – Caloocan police, dakong alas-12:30 ng tanghali nang isagawa ang nasabing operasyon matapos magpanggap ang isang pulis na poseur buyer at inaabot ang halagang P500 kapalit ng Shabu.

Aktong tinatanggap ni Cortes ang nasabing pera, nang dakmain ito ng mga tauhan ng SAID-SOTG at pinosasan saka dinala sa nasabing himpilan ng pulisya at sinampahan ng kasong RA 9165 sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.