Tulak huli sa buy-bust

ARESTADO ANG ISANG lalaki na hinihinalang drug-pusher sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Anti-Illegal-Drugs Special Operation Group Navotas police, kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Nakapiit ngayon sa detention cell at nahaharap sa kasong RA 9165 sa tanggapan ng Malabon-Navotas Prosecutor’s office ang suspek na nakilalang si Ronaldo Austria, 36, ng Daanghari, Navotas City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng madaling-araw nang madakip ang suspek sa labas ng bahay nito sa naturang lugar.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa talamak na bentahan ng ipinagbabawal na gamot sa naturang lugar ni Austria.

Dito, agad na nagsagawa ng surveillance ang mga awtoridad at nang maging positibo ay isinunod ang buy-bust operation na nagresulta ng pagkakadakip sa suspek, kung saan nakuha sa kamay nito ang 2 plastic sachet na naglalaman ng Shabu.      (MARY H. SAPICO)

 

 

 

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.