Tuition Hike, Hirit ng 451 College at University

UMAABOT SA 451 kolehiyo at unibersidad sa buong bansa ang naghain sa Commission on Higher Education (CHED) ng panukalang magtaas ng matrikula sa pasukan sa Hunyo. Sa naturang bilang, 95 dito ang nasa Metro Manila.

Noong Lunes ang huling araw nang pagsusumite ng mga paara-lan ng panukalang tuition increase sa CHED.

Sabay sa huling araw ng pagsusumite ng panukalang tuition hike ang huling araw rin para tumanggap ng reklamo mula sa mga kumokontra sa dagdag-matrikula para sa academic year 2013-2014.

Samantala, kabilang sa mga naghain ng reklamo ang National Union of Students of the Philippines (NUSP) na kinokontra ang 5-porsyentong tuition increase sa University of the Sto. Tomas, University of the East – Manila, Lyceum University of the Philippine at De La Salle Araneta University, 3.5% na pagtaas sa University of the East – Caloocan, 8%-10% sa Colegio de San Juan de Letran at 10% sa Adamson University.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.