Tubero, kritikal sa 7 holdaper

KRITIKAL SA pagamutan ang tubero matapos itong saksakin ng pitong hinihinalang holdaper habang ang una ay naglalakad kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Isinugod sa UERM Hospital, Sta. Mesa, Manila sanhi ng tama ng saksak sa katawan at sugat sa ulo ang biktimang si Ricky Andrales, 43, may-asawa, tubero at residente ng No. 20958 M.S. Florendo Cmpd., Claro M. Recto, Manila.

Isang follow-up investigation naman ang isinasagawa ng mga awtoridad para sa pagkakakilanlan sa pitong kalalakihan na hinihinalang mga holdaper na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng 7th Ave. Grace Park ng nasabing lungsod.

Hindi namalayan ng biktima na habang naglalakad ito sa nasabing lugar ay sinusundan siya ng mga suspek at pagsapit sa madilim na bahagi ay walang sabi-sabing pinagtulungang paluin sa ulo ng matigas na bagay.

Nang tumimbuwang sa lupa, isa sa mga suspek ang bumunot ng patalim at sinaksak pa ito saka tina-ngay ang suot nitong gintong singsing at pera na nagkakahalaga ng P1,200, saka nagsitakas.

Dinala naman sa nasabing pagamutan ang biktima upang lapatan ng lunas ang tinamo nitong mga sugat.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.