Tubero, Grinipuhan

MISTULANG GRIPO na pinatulo ang dugo ng isang tubero matapos saksakin ng isa sa apat na suspek dahil sa sintunadong boses na kasama ng una sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Fatima Medical Center sanhi ng saksak sa tiyan si Jonas Castañas, 25, tubero ng Maynilad, ng San Roque, Antipolo City.

Nadakip naman si Jonathan Paglinawan, 33, ng Pitogo, Makati City at tatlong kasama.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi, nag-iinuman ang biktima sa ilang kasamahan sa Celia St., Tinajeros ng lungsod kung saan isa sa mga ito ang umawit kahit sintunado.

Kinantiyawan ng grupo ng suspek ang kumanta na naging dahilan ng pagtatalo hanggang sa magrambulan.

Tinangkang awatin ng biktima ang mga kasama subalit sinalubong ng saksak ni Paglinawan na naging dahilan upang dalhin sa naturang pagamutan habang nadakip ang grupo ng suspek.

Sinampahan ng kasong Frustrated Homicide si Paglinawan habang Alarm and Scandal naman ang ikinaso sa tatlong kasama.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.