Tsuper ng konsehal, nag-amok; pumatay ng kapitbahay, 2 pa sugatan

ISA ANG PATAY habang dalawang iba pa, kabilang ang isang paslit ang sugatan nang mag-amok ang isang tsuper ng konsehal sa Zamboanga City.

Kinilala ang nasawi na si Roderick Cuartocruz, 28 anyos; habang sugatan sina Marlon Cuartocruz, 26 anyos at ka-patid na si Juric 4 anyos, mga residente sa Barangay Baliwasan sa nasabing lungsod.

Arestado naman ng Zamboanga City Police Office ang salarin na si Roque Cadiz, 53 anyos at driver ni City Councilor Jaime Cabato.

Ayon kay Zamboanga City Police Office director Edwin de Ocampo, alas-9:20 ng gabi kamakalawa nang magwala si Cadiz makaraang masaksak ang kanyang kapatid na lalaki.

Inisa-isang kinatok ni Cadiz ang kanyang mga kapitbahay hanggang magtungo ito sa tahanan ng mga biktima at walang sabi-sabing pinagbabaril ang tatlo gamit ang kalibre .45.

Naisugod pa sa Zamboanga City Medical Center si Cuartocruz subalit namatay rin ito.

Agad namang nadakip si Cadiz at kusang sumama sa mga pulis.     (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.