Tsuper, Binoga ng Kapwa Tsuper

DEAD ON the spot ang isang tricycle driver nang barilin sa ulo ng isa umanong kapwa tsuper sa Zone 5, Bangued Abra.

Kinilala ang napatay na biktima na si Jose Ballallua, 46-anyos na naninirahan sa Libcan, Bangued.

Ayon sa inisyal na im-bestigasyon ng Bangued PNP, hinahabol ng lalaki na sakay ng motorsiklo si Ballallua hanggang sa ito ay maharang.

Bumaba ang salarin at pinagbabaril hanggang sa tamaan sa ulo ang biktima gamit ang Calibre .45 na baril.

Agad tumakas ang lalaki nang matiyak na patay na ang biktima.

Sinabi ng mga nakasaksi na bago ang pamamaril ay nakagitgitan ni Ballallua ang salarin na posibleng motibo ng pagpaslang sa kanya.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.