Tsugi na sa Darna: Mark Anthony Fernandez, balik-droga? – Ruben Marasigan

NAG-LAST TAPING DAY na raw kamakailan si Mark Anthony Fernandez sa Darna. Kaugnay nito, iniintrigang muli ang aktor sa kung ano raw nga ba ang dahilan at tinapos na ng GMA-7 ang kanyang partisipasyon sa nasabing top rating fantasy series na pinagbibidahan ni Marian Rivera.

Ang ikinakabit na isyu, pinagdududahan daw kasi itong si Mark na baka bumalik na naman diumano sa masamang bisyo.  Dahilan para mapagdesisyunan daw na tigukin na lang ang character na ginagampanan niya.

Pero iba naman ang bersiyon ng isang GMA insider nang matanong namin tungkol dito. Hindi raw totoong back into drugs na naman ang aktor. Masyado lang daw kasing nangarag itong si Mark sa sagad-sagarang taping nito for Darna.

Dahil dito, nag-decide daw ang Siyete na sandaling pagpahingahin muna siya. Nakatakda kasing mag-shooting si Mark ng pelikulang pagtatambalan nila ng ex-girlfriend niyang Kapuso na rin ngayon na si Claudine Barretto which will be produce by GMA Films.

Gusto lang daw ng Channel 7 na makapagpahinga nang husto si Mark. Para raw fresh na fresh ito kapag nagsimulang gumiling ang camera para sa movie nila ni Claudine.

In fairness to Mark, we don’t think na babalikan nga niyang muli ang pagbibisyo. Natututo na siya sa malaking pagkakamali niyang iyon dati na naging dahilan ng masalimuot niyang pamumuhay noon.

Gugustuhin ba niyang maging magulo na naman ang ngayo’y masaya, komportable, at maayos na lagay ng kanyang buhay sa piling ng kanyang pamilya bukod sa magandang takbo ng career niya ngayon?

Mas gusto naming paniwalaan na pinanindigan pa rin ni Mark at hindi na siya bibitaw pa kailan man sa pagbabagong buhay na matagal na niyang sinimulan.

YESTERDAY, NAPADAAN kami sa isang studio sa GMA-7. Pagsilip namin, nagpi-pictorial doon sina Aljur Abrenica at ang ka-loveteam niyang si Krist Bernal. VTR pictorial yata iyon para sa bago nilang TV series na may titulong The Last Prince.

May pagka-fantasy ang tema nito. Kaya siguro kuntodo naka-warrior costume itong si Aljur na pinagmukhang beast sa prosthetic na nakalagay sa kanyang mukha.

Ang aktong naabutan namin, parang walang malay na ibinabangon ni Aljur ang naka-kamison na si Kris. Magkakamalay ang huli, magtatama ang kanilang paningin, tapos magki-kiss sila sa lips.

Paulit-ulit ang nasabing take. Hindi na nga namin mabilang kung ilang beses nang nagdikit ang mga labi ng dalawa.

Angal ng direktor nilang si Mac Alejandre, hindi raw convincing ang dalawa sa gano’ng tagpo. Kulang umano sa emosyon.  Wala umano itong nararamdamang romansa sa dalawa while doing the said act na kinukunan ng video at stills.

Hanggang finally, nakuha rin nina Aljur at Kris ang hinahanap ni Direk Mac. Nag-break sandali at inayos ang set.  Naupong magkatabi sa isang sulok ng studio ang magka-loveteam. At napansin namin na parang very cold nga sila sa isa’t isa.

Ni hindi sila nagtsi-tsikahan. Parang wala lang. Kapwa matamlay na animo’y parehong may sakit.

Lalapitan sana namin para i-ambush interview pero sumigaw na ang kanilang direktor na back to work na sila. Because they have to finish it daw within the next two hours.

Hindi na namin mahihintay na matapos sila after two hours. Umalis na lang kami baon ang katanungang, ang rumored real life girlfriend kaya ni Aljur na si Rich Asuncion kaya ang dahilan ng pagiging cold sa isa’t isa off-cam ng screen sweethearts?

Iyon ang unang itatanong namin sa kanila, the next time na magkaroon kami ng chance to talk to them.

Pramis!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

19 thoughts on “Tsugi na sa Darna: Mark Anthony Fernandez, balik-droga? – Ruben Marasigan

  1. sikat pa ba yung aljur-kis??!?!? bukos atalo sa BOF and KATORSE yung last serye nila, FLOP pa yung movie nila!hahaha! fake aksi at halatang pilit yung loveteam nila. sila daw pantapat kina gerald-kim, e sina erich-enchong nga tinalo kayo sa ratings!hahaha! bago kasi sabihin na click at sobrang sikat, alamin niyo muna kung totoo yung mega mnaila ratings, kasi di yun ibig sabihin sikat kayo sa buung pinas, pang gma-kamuning lang pala yung kasikatan niyo daw! STARSUCKS TALAGA OH!HAHAHA!

  2. ako fan ni claudine ebfore ngayong nasa gma na! wala na totaly, palaos na siya dun! bilang sa dlairi langmga nagclick na movies ng gma films, i am sure kahit painitin niyo pa tambalan nina claudine-mark, sure flop yan! di niyo kaya promotions ng mga movies ng stra cinema, quality pa karamihan, and about kay TANDARNA! matagal an masama ugali ng baabe ng yan! umpisa lang mataas o TOP RATER daw yung show niya. di ba nakaka 40 plus percent pa siya nun, nagyon pang 30+ na lang siya. hinahabol pa ni santino sa ratings sa mega manila. 2 percent na alng lamang ni TANDARNA! pareho lang kayo ugali ni willie revillame, amhilig amg POWER TRIPPING! kala mo naman pera niyo pinagssweldo sa mga nakapaligid senyo sa shows niyo!

  3. naku kitang kita namin nung igma live chat na wala sa mood si aljur! si kris naman pilit ung pagtawa..
    napaka late ng nag start ng live chat..sabi 2pm ngstart na ng 3:20pm!
    kc me pictorial daw ng last prince..
    at un nga nauna si kris sa live chat..
    although mukhang masaya si kris, di convincing ung pagtawa nya..
    then dumating si aljur, nakasimangot..
    after nag break konti ung live chat pagbalik naka smile na si aljur pero pilit na pilit talaga pati pag sweet sweetan nila, pilit..

  4. PASKO NA, MAGBAGO NA TAYO MGA KAPWA FILIPINO, STOP THE NETWORK WARS, STOP NA ANG SIRAAN NG MGA ARTISTA-PEACE TO ALL

    mukang gimik to. kasi balita itatambal sya kay claudine. ayos ang gimik talaga.

  5. ruben marasigan, instead na isulat mo na balik droga si mark, bakit ‘di mo isulat ang totoo na pinag-malditahan ni marian si mark na ayon sa mga naisulat na eh indi tinanggap ni marian ang beso-greeting ni mark kaya ang leading man ay hindi na masaya sa “bagsak, darna, bagsak!

    hindi naman si mark ang nagtutulak sa sarili na bumalik sa droga kundi kayo ang nagsasabi dahil pilit ninyong inililihis ang totong k’wento ng pagma-maldita ni marian.

    c’mon! kahit anong pagtatakip ninyo sa tunay na kulay ni marian sa “loob man or labas” ay aalingasaw din ang amoy dahil ang isang bagay na bulok na ay hindi na pwedeng gawing sariwa pa!

  6. Siguro Mark doesn’t want to work with Marian Rivera kasi talaga namang walang kalatoy latoy yung istorya ng Darna, plus siguro tinatarayan siya ni Marian kasi Mark is related to Karylle kaya hindi sila mag-kavibes.

    Okay lang yan Mark, God will open another window of blessings for you that’s for sure, just be good!

  7. Ay naku wag nman sanag drugs ang dahilan mahirap kasi yan baka me relapse c Mark dahil paguran ang taping…

    Sayang Mark nakabalik kana s Cirkulasyon huwag mo sanang sayangin baka next time eh supporting ka na lang o mawalan ka ng career forever…

    Sana seek help agad kung me relapse….the sooner the better…

  8. wew talagang lng ha na excited ka sa reunion movie nila clau at mark ang tanong may pambili kaba ng ticket? lol
    pagkaka alam ko pang free tv lng kayo.. hahahaa

  9. I think Mark made the right choice sa request nya na patayin na lang character nya sa Darna.Nasasayang lang si Mark doon sa pantaserye na yan.He’s a very good actor para ilagay lang sa mababaw na show na yun.Sayang lang sya doon.Wala naman pinatutunguhan ang story doon.Sana yun na lang ang tinapos na show kesa sa stairway to heaven.

  10. i heard na c mark ang nagrequest na tsugihin nlang xa since mrn nmn clang movie ni clau.naiinis na cguro sa pagmamaldita sa knya ni marian

  11. i read that it was Mark who requested to just kill his characterin Darna. Naburyo na raw sa papel nya sa Darna. My guess is baka ayaw nang maka work ang malditang si Marian.

  12. I hope “drug” was not the reason why MAF was removed from Darna. I want to believe that Mark had learned from his experience especially now he has 2 daughters from his wife. Have faith with God Mark, we love you.

Leave a Reply

Your email address will not be published.