Tsinugi sa serye
Sid Lucero, lasing dumarating sa taping?!

SAYANG KUNG totoo ang balitang tinanggal si Sid Lucero sa serye nila ni Jennylyn Mercado dahil kung hindi raw ito late dumating, lasing pa raw ito.

Balita kasing depressed si Sid dahil sa nakipaghiwalay na non-showbiz girlfriend na hindi raw yata matanggap ng actor.

Magmula raw noon ay naging unprofessional na ito na ikinagulat ng mga taong nakakakilala rito. Dahil isang masipag at masigasig si Sid magmula nang pasukin ang showbiz kaya marami raw ang hindi makapaniwala na magiging problema ito sa taping ng serye nila noon ni Jennylyn Mercado.

Ilan lang ito sa mga kumakalat na balita kay Sid na dapat mabigyan niya ng linaw dahil maraming nanghihinayang sa isang tulad niya na magaling na actor.

Kapipirma pa lang niya last August ng exclusive two years contract sa GMA 7.

 

DALAWANG ORAS lang ginanap ang presscon ng Suddenly It’s Magic na pinagbidahan nina Erich Gonzales at Thai Superstar na si Mario Maurer sa Dolphy Theater ng ABS-CBN kamakalawa.

May sinusunod kasing schedule ang Thai Superstar at dahil na rin sa super hectic din ng schedule ng promo ng kanilang movie ni Erich na idinrek ni Rory Quintos under Star Cinema.

Anyway, kahit naging maigsi ang presscon, naging kuntento naman ang press na dumalo sa mga tanong kay Mauro na sinagot naman nito nang diretsahan.

Tulad ng kung ano ang naramdaman niya nang sampalin ni Erich sa isang eksena. “Slap me in the face. May jaw twisted  a little,” say ni Mario na nakangiti naman.

Sa Thailand kasi, dinadaya ang mga eksena na may sampalan lalo na’t lead star ang involved.

Sa tanong naman na kung ano ang pakiramdam niya nang hawakan niya ng dalawang kamay ang boobs ni Erich kaya siya nasampal ng actress sa eksena? “What my feeling? It’s the character, not me,” matipid na sagot nI Mauro na halatang nagulat sa naging tanong.

Sa tanong naman kung wala ba siyang naramdamang magic habang ginagawa nila ang pelikula, lalo na kapag kaeksena niya si Erich?

Sagot ni Mauro (isalin natin sa wikang Filipino): “Magic? Mayroon akong naramdaman magic. Magic na maituturing ko na makagawa ng pelikula sa Philippines. Ramdam ko nagkaroon ako ng pamilya sa Philippines. Ang buong cast, lalo na si Joross (Gamboa), mami-miss ko. “

Paglilinaw naman ni Joross kung bakit siya mami-miss ni Mario, siya raw kasi ang unang nagbasag ng katahimikan sa shooting ng Suddenlly It’s Magic.

“Nang una kasi ay tahimik na tahimik ang buong cast. Ako ang unang nagsalita at nakipagbiruan kay Mario. Doon na nagsimula ang tawanan at tsikahan,” say ni Joross.

 

HOW TRUE na naniningil daw ng sobrang  taas si BB Gandanghari  para pumayag na magpa-interview kay Carmina Villarroel sa show nito sa ABS-CBN? Samantalang nang makausap namin noon si BB ay ‘di naman ito nagsasabi ng talent fee. Ang lagi lang nitong sinasabi ay baka hindi pa raw sila handang dalawa ni Carmina sa ganoong sitwasyon.

Pero ngayon, tila handa na silang magkaharap nang face to face. Ang problema lang daw, negosasyon sa magiging bayad daw kay BB para matuloy ang paglabas nito sa TV show ni Carmina.

Hindi naman ikinakaila ni Carmina noong makausap namin na hindi pa siyang handang makaharap si BB na hitsurang babae na ngayon. Pero hindi naman nito ikinaila na gusto niyang makausap ito nang harapan. Kasi nagkita na raw sila minsan sa isang lugar pero ‘di sila nagkausap ng harapan ni BB.

Kung matutuloy ang one-on-one interview ni Carmina kay BB siguradong magiging mataas ang rating ng show ng actress. Kaabang-abang kasi kung anu-ano ang itatanong ni Carmina sa dating husband na ngayon ay isang nang beki.

At kaabang-abang din ang magiging reaction ni BB kapag sinagot na nito ang magiging tanong sa kanya ng dating wife. ‘Di ba, my dear editor?

 

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

10 thoughts on “ Tsinugi sa serye
Sid Lucero, lasing dumarating sa taping?!

  1. tapos na ba yung afternoon soap nila sid at jennylyn????

    .

    nagpapakontrobersyal naman ang super baklitang si rustom, este si BB. hindi na dapat pinapansin ang nagpapakontrobersyal na matandang badinger z na yan.

  2. mula nang lumipat si sid lucero sa kapuso network parang parating nasasanglot na sa kanegahan? sana hindi na lang siya umalis sa kapamilya para hanggang ngayon mas popular siya

Leave a Reply

Your email address will not be published.