Tsinoy, Nagbaril sa Sarili sa Loob ng Van, Patay

PATAY ANG isang Tsinoy matapos magbaril sa sarili sa loob ng van habang nakaparada sa tapat ng kanilang bahay sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa noo si Bryan Ang Cinco, 35 ng Paz St., Morning Breeze Subd., ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-9:10 ng umaga, hinahanap ang biktima ng mga kaanak sa loob ng kanilang bahay at nang hindi makita ay pinuntuhan ang Toyota Hi-Ace (POG-259) na nakaparada sa tapat ng bahay at laking gulat nang makitang duguan si Cinco sa loob ng van habang nasa tabi ang .9mm na baril.

Ipinaalam sa mga pulis ang pangyayari kung saan inaalam na ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima at inaalam na rin kung may naganap na foul play sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.