Tsinoy, ligtas sa ‘riding in tandem’

MILAGRONG NAKALIGTAS SA tiyak na kamatayan ang isang negosyanteng Tsinoy matapos pagbabarilin ng riding in tandem habang ang biktima ay papasok sa kanyang junk shop sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Kasalukuyang ginagamot sa Valenzuela City Medical Center ang biktima na nakilalang si Allen Ticar Uy, 31, may asawa at residente ng Pabaya St., Brgy. Mapulang Lupa ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong tama ng kalibre .38 na baril sa kanang hita.

Samantala, patuloy namang nagsasagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad upang masakote at matukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek sakay ng Mitsukoshi single motorcycle na may plakang 2886-PQ, kung saan isa sa mga ito ang kinilala sa alyas na Danny.

Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO3 Jess Sagisi, hepe ng Station Investigation Unit ng Valenzuela-PNP, nabatid na bandang alas-7:30 ng umaga nang maganap ang tangkang pagpatay sa Tsinoy sa harap ng Junk Shop nito ‘di kalayuan sa kanyang bahay.

Ayon sa pulisya, papasok umano noon sa kanyang junk shop ang biktima nang bigla na lamang dumating ang mga suspek sakay ng motorsiklo kung saan isa sa mga ito ang agad na bumunot ng baril at sunud-sunod na pinutukan si Uy.

Nasapol sa hita ang biktima subalit nagawa nitong makapasok sa loob ng junk shop kaya napilitang umalis ang mga suspek matapos maglabasan ang mga kalapit-bahay ng una.

Kasunod nito, dali-daling isinugod ng kanyang kaanak si Uy sa naturang ospital upang mapagamot bago ipinabatid sa pulisya ang tangkang pagpatay kung saan sa follow-up operation ng mga tauhan ng Detective Management Unit ay narekober ng mga ito ang motorsiklo na ginamit sa pagtakas nina Danny.

Nabatid na nagtanim ng galit ang suspek sa biktima matapos umanong hindi ito pagbilhan ng scrap ni Uy noong nakaraang Sabado, subalit tinitignan pa rin ang anggulong sadyang binayaran ang mga suspek upang itumba ang Tsinoy o ayaw sa negosyo. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.