Tsinoy, Huli sa Shabu

INARESTO SA pamamagitan ng search warrant ang isang Tsinoy dahil umano sa pag-iingat ng ipinagbabawal na droga sa kanyang bahay sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Malabon City Chief of Police Senior Supt. Ferdinad Ampil ang naa-

restong suspek na si Jimmy Ang, alyas “Jimmy Lim”, residente ng # 8 and 10, Liwayway St., Brgy. Tugatog ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Sr. Supt. Ampil, dakong alas-4 ng hapon nang arestuhin ang nasabing suspek sa bisa ng ipinalabas ng search warrant ni Malabon City Regional Trial Court Branch 73 Hon. Executive Judge Carlos M. Flores.

Sina PO3 Carlito Gatchalian at PO2 Marius Sigua ang nag-serve ng nasabing search warrant sa bahay ni Lim sa tulong ni Brgy. Chairman Sheridan Abad ng Brgy. Tugatog.

Nang isagawa ang pag-hahalughog sa bahay ng suspek, nakuha ng mga nasabing pulis ang anim (6) na malalaking plastic sealed at isang plastic container na naglalaman ng kulay puting crystalline substance na hinihinalang Shabu.

Kaagad na inaresto ng awtoridad ang nasabing Tsinoy kung saan ito nga-

yon ay nakapiit sa detention cell ng nasabing himpilan ng pulisya.

Ang nasabing suspek ay ipaghaharap ng kaukulang kaso sa Malabon City Prosecutor’s Office at i-naasahang hindi pagkakalooban na makapaglagak ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.