Tsino, Nakatakas sa Pagkatay ng 2 Kapwa Tsino

AGAD NA dinakip ng mga awtoridad ang dalawang Chinese national na responsable sa pagkulong at tangkang pagpatay sa kasamahan nitong Chinese sa Fontana Leisure sa Clarkfield, Pampanga.

Sa ulat ni P/Sr. Inpector Dederick Reativo ng Angeles City Police, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Huang Xiao Wen, 33 anyos, binata; at Cao Yong, 34, binata, co-workers ng Villa 3164; samantalang ang biktima naman ay nakilalang si Xie Hai Hua, 35, binata, residente naman ng Villa 3166 sa nabangit na lugar.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga pulis, sa interpreter ng biktima na si Arnold Wong, ikinulong si Hua sa inuupahang bahay ng mga suspek nito lamang Marso 30 dakong alas-9:00 ng gabi, kung saan pinagbantaan pa umano ito na siya’y papatayin.

Nabatid na halos dalawang gabing ikinulong ang biktima ng dalawang suspek sa hindi pa malamang kadahilanan, kung saan Abril 1 dakong alas-6:00 ng gabi, nakakuha ng pagkaka-taon ang binata na makatakas sa dalawa.

Agad naman itong nagtungo sa PNP Station 4 kasama ang isang kawani ng Fontana Leisure Park na si Albert Corres  upang isumbong ang ginawa ng mga suspek sa kanya.

Dahil dito agad na nadakip si Cao Yong, habang boluntaryo namang sumuko sa mga pulis ang kasamahan nitong si Huang Xiao Wen.

Kaugnay nito’y detenido ngayong ang dalawang Chinese sa Angeles City Jail habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila.

(TONY DELA PEÑA)    

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.