Tsinay Nurse, Pinatay Matapos Nakawan

PAGNANAKAW ANG itinuturong dahilan ng mga kinauukulan kung bakit pinatay ang Filipino-Chinese nurse sa may Paciano Bangoy, Davao City.

Kinilala ng Sta. Ana police ang biktima na si Marjorie Kwan, 23, at isang registered nurse.

Ayon sa nakasaksi, papauwi na si Kwan sa kanyang tinitirhan sa RGA Village, Paciano Bangoy bandang alas-11:30 ng

tanghali nang bigla na lamang hinablot ang bag nito ng salarin sakay ng motorsiklo.

Hindi binitawan ng biktima ang kanyang bag dahilan upang barilin ito ng suspek.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril si Kwan sa kanyang kamay, dibdib, likod at ulo dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Una nang tiniyak ni Davao City Police Office director Ronald dela Rosa na papanagutin ang mga tumakas na suspek sa kanilang ginawang krimen.

Sinabi ni Dela Rosa na may lead na sila kung sino ang pumaslang sa biktima ngunit tumanggi muna itong magbigay ng impormasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.