Tsina, Nagbanta sa ‘Pinas

DAPAT UMANONG maalarma ang Pilipinas dahil sa ginawa nitong pakikipagsanib-puwersa sa Estados Unidos at sa sinasabing pagpayag nito na makialam ang gobyerno ng Amerika sa problema sa West Philippine Sea.

Wala pang inilalabas na reaksyon ang bansang Tsina sa nasabing usapin, pero inilathala sa isang state-run newspaper ang pag-alma umano ng Beijing sa nabanggit na hakbang ng ating bansa.

Partikular na ikinaalarma ng Tsina ay ang balitang pag-deploy ng Amerika ng mga U.S. navy ships nito at pagpapalakas ng puwersa sa Pilipinas.

Ipinanawagan pa nito ang pagputol na ng nasabing bansa sa mga economic activities nito sa Pilipinas.

“The Philippines is a suitable target to impose such a punishment. A reasonable yet powerful enough sanction can be considered. It should show China’s neighboring area that balancing China by siding with the US is not a good choice,” base sa nailathala sa editorial ng Global Times, diyar-yong pag-aari ng Communist Party of China.

Una nang inamin ni Defense Sec. Voltaire Gazmin na interesado ang U.S. government sa pagpapalakas ng kanilang presensiya sa nasabing rehiyon.

Idinepensa rin ni Gazmin ang magiging presensiya ng mga Amerikanong sundalo sa bansa dahil makatutulong umano ang mga ito sa modernization ng mga military equipments at kakayahan ng mga sundalong Pinoy.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.