Tsina, Maging Responsable, ‘Wag Manakot – ‘Pinas

BUMUWELTA ANG Pilipinas sa banta ng Tsina na counterstrike sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs spokesperson Raul Hernandez na huwag ituloy ng Tsina ang balak na counterstrike. Sa halip, piliin ang mapayapang paraan sa pagresolba sa territorial dispute sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea.

Ayon kay Hernandez, may obligasyon ang Beijing sa ilalim ng international law partikular sa UN charter na isulong ang mapayapang resolution sa pinag-aagawang teritoryo.

Walang lugar umano sa pagitan ng mga sibilisadong bansa na gumamit ng mga pananakot.

Napag-alaman na sa commentray ng state media, binalaan ng Tsina ang Maynila na magsasagawa ng counterstrike sa West Philippine Sea at ibinunyag ang umano’y seven sins ng Pilipinas.

Isa na raw sa kasalanang ito ay ang illegal occupation ng bansa sa Spratly Islands.

Ang banta ng Tsina ay sa gitna ng isinasagawang military exercises ng Pilipinas at Amerika sa Panatag Shoal na saklaw ng teritoryo ng Pilipinas pero inaangkin ng Beijing.

Samantala, nanawagan din si Hernandez sa Tsina na maging responsableng kasapi ng komunidad ng mga bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.