Tsina, Bumuwelta Kontra Kalihim ng DFA

BUMUWELTA ANG Tsina at tinawag na sinungaling si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario nang sabihin sa international community sa Brussels na ang Pilipinas ay ginagawa ang lahat maging political man o diplomatic approach upang maresolba ang territorial dispute sa South China Sea.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokeswoman Hua Chunying, hindi umano pinagbigyan ng Pilipinas ang kahilingan ng Tsina na magsagawa ng “consultation mechanisms” para solusyunan ang pinag-aagawang coastal territories.

“The Philippine side has closed the door on talks and consultations and at the same time remained keen on attacking China in the international arena,” ani Hua.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.