Tsikboy raw Hiro Magalona, may Kim Komatsu na, may Yassi Pressman pa!

HOW TRUE na namamangka sa dalawang ilog ang young star at Regal baby na si Hiro Magalona between co-stars Yassi Pressman at Kim Komatsu na ka-loveteam nito sa Tween Hearts at Biritera?

Balita kasing simula nang bumalik sa Tween Hearts si Yassi na namahinga for awhile with new look at mas gumanda ay muling nanumbalik ang paghanga ng binatang Magalona sa Fil-Am na young star. Kaya naman daw ang matamis na pagsasamahan at malapit na mauwi sa totohanang relasyon between Hiro at Kim na binansagang Kimiro ng kanilang mga tagahanga ay unti-unting naglalahaho at si Yassi raw ang dahilan.

Pero according to Yassi nang makausap namin sa Thanksgiving Party ng mga alaga ni Tita Geleen Eugenio sa Socialista Bar and Restaurant sa Malate, nagulat ito sa pagkaka-link kay Hiro, dahil wala naman daw pagpaparamdam na ginagawa si Hiro na nanliligaw ito o gusto siya. Nakikita naman daw kasi nito na sobrang okey sina Hiro at Kim.

Sa ngayon daw, no time for love si Yassi, kaya hindi muna ito nag-e-entertain ng manliligaw. Mas gusto raw ni Yassi na mag-concentrate sa kanyang trabaho, kung saan meron daw siyang mala-king endorsement na lalabas ngayong buwan na dapat abangan ng kanyang mga tagahanga.

 

PINASOK NA rin ng Gigger Boys member at Star Magic artist na si Benjamin De Guzman ang pagnenegosyo, bukod sa pag-aartista, kung saan regular itong napapanood sa ASAP 2012 at Angelito: Batang Ama.

Happy nga raw si Benjamin dahil sa tulong ng kanyang very supportive parents na sina Tita Imelda at Tito Ben na siyang humahawak ng kinikita nito sa pag-aartista, tinulungan siyang makapag-open ng negosyo, kung saan siya rin ang endorser nito, ang Shomai Co., na may tagline na The Biggest! The Cheapest ! The Most Delicious!

Kung saan may apat na itong branches na matatagpuan sa 3rd floor, Taft Ave., Pasay City, Sen Gil Puyat cor., Taft Ave. Pasay City, Riverbanks Center, Marikina City, at 3rd Floor Blue Wave strip mall, Marikina, Sumulong Highway cor. Fernando Ave., Sto Niño, Marikina City.

Alam daw kasi ni Benjamin na hindi lifetime ang pag-aartista, kaya naman daw hangga’t kumikita siya ay ini-invest niya ang kanyang kinikita sa pag-aartista sa negosyo para ‘pag tumumal daw ang offer sa kanya ay may negosyo siyang pagkakaabalahan at pagkakakitaan.

 

GAANO KAYA katotoo na after Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia at iba pang Sexbomb Girls, nagbabalak na ring umalis sa poder ni Ms. Joy Cancio sa kanyang pamamahala under Focus E  ang Sexbomb na sina Sunshine Garcia at Mia Pangyarihan?

At balitang ang nagbubuyo raw sa dalawang umalis sa poder ni Joy ay ang Ex-Sexbomb Girl na si Rochelle Pangilinan na napapanood sa Party Pilipinas at Broken Vow. Very close daw kasi si Rochelle kina Mia at Sunshine kaya naman daw kinakausap nito ang dalawa na lumipat at subukan naman ang pangangalaga ng ibang manager, since medyo matagal na naman daw ang mga ito sa poder ni Ms. Joy at sa Focus E.

Si Rochelle pa rin nga raw ang nagbibigay ng mga pangalan ng mga managers na puwedeng lipatan ng dalawa na mas gusto na yatang mag-solo at umalis sa Sexbomb Girls, na katulad ni Rochelle na nasa pangangalaga na ni Perry Lansigan ng PPL Productions, samantalang nawalan naman ng career sina Jopay at ang iba pang Sexbomb Girls na umalis sa pangangalaga ni Ms. Joy.

 

HAPPY ANG pretty daughter ni Alma Moreno at Joey Marquez na si Winwyn Marquez sa pag-aalaga sa kanya ng GMA-7, kung saan after mapanood ito sa Blusang Itim ay may bago na naman siyang proyekto sa Kapuso Network bukod sa Party Pilipinas.

Tsika nga ni Winwyn na wala pa raw siya mabigay na detalye tungkol sa kanyang bagong show, dahil magkakaroon pa lang sila ng story con, pero if ever nga raw na another kontrabida role ang ibigay sa kanya ay okey lang dahil ang mahalaga raw sa kanya ay may trabaho siya at hindi nababakante.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Tsikboy raw Hiro Magalona, may Kim Komatsu na, may Yassi Pressman pa!

  1. hiro? yssa? kim? who the hell are they???!!!! i mean for real???!!!! HAHAHAHA mga future starlets ng kapuso network hay naku :( hahahahaha. at dahu yung de guzman ng ginger boys? ginger? gigger? whatever basta unknown future gay ng kapamilya network hahahahahahaha.

    isa pa tong wynwyn marquez na toh, ni hindi nga pang artistahin, wala pang star appeal. mag quit ka na sa showbiz ineng at mag aral, tsaka ka na bumalik after mong makagraduate ng college and then mag pose ka sa FHM and be one of those growing numbers of starlets ng showbusiness hahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.