Tsikboy, patay sa ambush

ISANG “CHICKBOY” ANG tinambangan at napatay ng isang hindi nakikilalang salarin na pinaniniwalaang ang may kagagawan ay isa sa kanyang naging nakarelasyong bakla, matrona at batang babae, sa Valenzuela City iniulat ng pulisya kahapon ng umaga.

Base sa ginawang follow-up investigation ni SPO2 Armando Delima, hepe ng Homicide Division ng Valenzuela PNP, ang biktima ay nakilalang si Alvin Dumantay, 25, ng Macopa Street, Barangay Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod.

Nabatid mula sa ilang kapitbahay ng biktima, si Dumantay ay sobra umanong mahilig pumatol sa bakla, matrona, at mga magagandang batang babae.

May hinala ang pulisya na isa sa mga nabanggit ay nagtanim ng sobrang galit matapos umanong kalasan nang una na siyang posibleng umupa sa isang “hired killer” para ipapatay.

Nabatid na tinambangan at pinagbabaril ang biktima ng isa sa dalawang suspek habang ang una ay papalabas ng gate ng kanilang bahay, dakong alas 7:00 ng gabi.

Agarang dinala ng kanyang mga kaanak si Dumantay sa Valenzuela Medical Center, pero binawian na ito ng buhay sanhi ng tama ng bala ng cal. 45 sa kaliwang pisngi at leeg.

Nakuha ng mga otoridad sa pinangyarihan ng insidente ang mga basyo ng bala ng caliber .45 baril.

“So far, nakikipag-coordinate na kami sa family ni Dumantay para makakuha pa ng lead,” ani Delima.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.