Tsekwang lola, patay sa kawatan

PATAY ANG ISANG Chinese national na lola matapos itong patayin ng mga di-kilalang salarin nang pasukin ang kanyang bahay at looban kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Agad na nasawi sanhi ng mga tinamong tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Wvxuan-Xuan, 78, ng # 20 Zamora St., Fortune 7, Brgy., Parada ng nasabing lungsod.

Isang masusing imbestigasyon naman ang isinasagawa ng mga awtoridad para sa agarang pagkakakilanlan at ikadarakip sa mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:35 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Nag-iisa ang biktima sa loob ng kanyang bahay nang pasukin ng mga suspek at pagnakawan ng malaking halaga ng salapi at mga kagamitan at nang makuha na ang pakay nito ay pinatay pa si Xuan saka tumakas.

Ilang saksi ang nakakita sa wala nang buhay na biktima at ipinaalam sa pulisya ang nabanggit na insidente.

Inaalam na rin ng pulisya ang halagang tinangay ng suspek.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.