Tsekwa, ninakawan ng kasambahay

PINAGHAHANAP NGAYON NG mga awtoridad ang isang 29-anyos na kasambahay matapos itong ireklamo ng kanyang amo na Chinese national ng pagnanakaw nang kasamang maglaho ang una pati ang malaking halaga ng pera at mga gintong alahas kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Tugis ngayon ng mga awtoridad ang suspek na na-kilalang si Jackie Entrada, 29, kasambahay ng No. 25 San Marcos St., Brgy. Navotas West, Navotas City.

Lulugo-lugong nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Steven Chua, 48, negosyante, ng nasabing lugar, upang pormal na magsampa ng reklamo laban kay Entrada.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi nang malaman ng biktima na nawawala ang kanyang P40,000 halaga ng salapi, 2 ginto na bracelet, nagkakahalaga ng P35,000, 1 ginto na singsing – halagang P30,000 at iba’t ibang klase ng relo na nagkakahalaga ng P50,000.

Ayon kay Chua, nadatnan nitong wala na sa kanyang bahay ang suspek at pagpasok nito sa kanyang silid ay kasabay na naglaho rin ang kanyang pera at mga alahas.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga awtoridad para sa ikadarakip sa suspek.      (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.