Tsekwa, Nasalisihan ng Nagpakilalang Delivery Boy ng DSL Padala

NASALISIHAN ANG isang Intsik ng hindi pa kilalang lalaki na nagpakilalang delivery boy ng DSL padala sa inuupahang condominium ng una sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Chong Pui Ming, 56, ng unit 114 Hound Tower, 6th Avenue ng lungsod.

Base sa ulat, ala-1:55 ng hapon, nagpunta sa nasabing lugar ang suspek at nagpakilalang empleyado ng DSL Padala, kung saan nagpakita pa ng identification na naging dahilan upang papasukin ng guwardiya.

Alas-4:30 ng hapon ay umalis na ang suspek subalit makalipas ang kalahating oras ay nagpunta sa guwardiya ang biktima at sinabing nawawala ang kanyang laptop at cellphone sa kanyang unit.

Ipinaalam ng pamunuan ng Hound Tower ang pangyayari sa mga pulis na na-ging dahilan upang imbestigahan. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.