TRUST Bunong Braso Challenge sa Valenzuela,Dinayo ng mga Mahihilig Mag-Bunong Braso!

ANG MGA MACHO at matitipuno ng bansa ay ‘di na mapigilan sa pagsali sa unang nationwide TRUST Bunong Braso Challenge! Ang TRUST Bunong Braso Challenge ay kasalukuyang ginaganap sa buong bansa. Sa Qualifying Round na idinaos noong ika-28 ng Mayo sa Marulas, Valenzuela City, ang ilang kalahok ay dumayo pa para makipag-bunong braso.

Ang champion sa heavyweight division na si Rami “Rambo” Mustafa ay galing pa sa Baguio City. Nabigo siyang makasali nang ginanap ang Bunong Braso Challenge sa kanyang bayan noong May 14 kaya nagpasya siyang dumayo sa Valenzuela at dito magpalista. Sa labing-anim na kalalakihan sa heavyweight division nakipagbuno si Rambo, at siya ang nagkamit ng unang pwesto. Isa sa mga nakalaban niya ang mixed martial artist at dating champion ng Bunong Brasong Eat Bulaga na si Marciano “The Wrestler” Basas, na nakuha ang ikalawang pwesto, samantalang si Ryan “Rai” Linga ang nakakuha ng ikatlong pwesto.

Sa lightweight division naman, si Jerry “Jerry Bato” Lingo ay pangatlong beses nang sumabak, bago niya nakuha ang kampeonato. Una siyang sumali sa Taguig at sunod sa Las Piñas. Sa pakikipagbuno niya sa Valenzuela, ibinuhos niya ang kanyang lakas at sa huli ay nakuha naman niya ang pwesto ng champion. Sumunod sa kanya sina Glenn “Totoy Bato” Malasa sa ikalawang pwesto, at sa ikatlong pwesto si Edmond “Hot Papa” Saldivar.

Sina Jerry Bato Lingo at Totoy Bato Malasa sa lightweight division, at Rambo Mustafa at The Wrestler Basas sa heavyweight division, ang tutuloy sa Grand Championship na gaganapin sa Agosto 6, 2011 sa Metro Manila at doon makikipagtagisan para sa titulong overall Grand Champions sa kani-kanilang dibisyon. Ang mananalo sa bawat dibisyon ay tatanghaling “National TRUST Bunong Braso Champions” at tatanggap ng P100,000 cash prize.

Bukod sa nakapananabik na Bunong Braso competition, ang performance ni SexBomb Monique ay nagbigay-kasiyahan din sa audience, lalo na nang makipagtagisan sa pagsayaw ng pamosong dance step na Spaghetting Pababa at Pataas ang mga maskulado at machong bunong braso players. ‘Di magkamayaw sa tuwa ang madlang-tao sa paggiling ng mga barako kasama ang seksing si Monique.

Naroroon din ang mga kinatawan ng TRUST Quality Condoms na sina Mr. Emmanuel Alfonso III, Product Manager, at Mr. Edwin Batalla, GMA Field Operations Manager, para magbigay-suporta sa mga Bunong Braso Challengers at sa mga taga-Valenzuela.

Ang mga matitipuno at matitikas na kalalakihang may edad na 18 pataas ay inaanyayahang sumali sa susunod na Qualifying Tournament ng 1st Nationwide TRUST Bunong Braso Challenge na gaganapin sa June 11, 2011 sa Laurel Gym, G. Recto St. corner V. Escano St., Barangay C, Rosario, Batangas.

Ang mga susunod na Qualifying Tournaments ay magaganap pa sa Davao City (Hunyo 25), Cebu City (Hulyo 2) at sa Quezon City (Hulyo 23).

Para sa mga karagdagang detalye at iba pang impormasyon kung paano sumali sa TRUST Bunong Braso Challenge, mag-text o tumawag sa numerong (0917)909-9090 para sa Globe at Touch Mobile Subscribers, sa numerong (0949)323-6788) para sa Smart at Talk n Text at sa numerong (0932)527-4228 para sa Sun Cellular Subscribers. Maaari rin kayong sumulat sa e-mail address na trust_bbc@yahoo.com.

 

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.