Trucker, Kulong sa 1 Kilong Hotdog

KULONG ANG isang trucker matapos mahulihan ang ipinuslit na isang kilong hotdog palabas ng kumpanya sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong Theft si Gonzaldo Coro, 34, ng Trece Martirez, San Jose, Navotas.

Sa ulat, dakong alas-4 ng hapon, papalabas na ang suspek sa Frabelle Food Corporation sa Dagat-dagatan Avenue ng lungsod nang siyasatin ng guwardiyang si Patricio Gutierrez ang dalang truck ni Coro.

Napansin ng guwardiya ang isang supot na naglalaman ng isang kilong Bossing Cheeszy Dog at nang hanapan ng resibo ay walang maipakita ang suspek.

Dahil dito, dinala ng guwardiya sa pamunuan ng Frabelle ang suspek hanggang sa utusan ang sekyu na dalhin sa presinto bago sinampahan ng nasabing kaso.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.