Truck vs Motor; 1 Patay, 1 Sugatan

 

BIGONG MAISALBA ng mga doktor sa Our Lady of Mercy Hospital ang buhay ng isang binata makaraang magkaroon ng mala-king basag sa bao ng ulo nito, matapos sumalpok sa tapalodong bakal ng Isuzu Forward truck na may plakang RKB 844, habang sugatan din ang backride nito na isang manager ng fastfood chain sa kilalang mall sa Plaridel, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Camilo Lintaw kay PNP Provincial Director P/S Supt.Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang nasawing biktima na si Sedney Jimenez, 19 anyos, binata, empleyado ng fastfood chain, habang nasa ligtas nang kalagayan ang kasama nitong si Carla Barbosa Y Edroso, 25, ng Baliuag. Samantala, agad namang sumuko ang driver na si Aian Trongson Y Sy, 34, residente ng Brgy. Caingin, Bocaue.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-9:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa Diversion Road ng Brgy. Sto Cristo, kung saan bigla na lamang umanong sumabit sa kaliwang bahagi ng hulihan ng truck ang motorsiklo na may plakang ID-2695 na papauwi na sana sa kanilang mga tahanan.

Nabatid na patungo sana sa Nueva Ecija ang naturang forward truck para kumuha ng 45 days na manok nang bigla na lamang lumagabog ang kaliwang bahagi ng sasakyan dahil sa bilis ng naturang motorsiklo.

Sa record ni Dr. Christian Tolentino, dakong ala-1:12 ng madaling-araw nang mamatay ang binata dahil sa pagkabasag ng bao ng ulo nito dulot ng malakas na pagbangga sa matigas na bagay.

Ayon naman sa ilang mga nakasaksi sa pangyayari, mabagal ang usad ng truck, dahil sa crossing ang nabanggit na lugar, nang bigla na lamang sumulpot ang mga biktima, nabatid pa sa mga saksi na hindi suot ng binata ang kanyang helmet, sa halip nakasuot lamang ito sa kanyang siko.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.