Truck VS Hand Tractor: 1 Patay; 4 Sugatan

DEAD ON arrival ang 58-anyos na lalaki, habang apat naman ang patuloy na ginagamot sa Bacnotan District Hospital matapos ang naganap na banggaan ng Elf truck at hand tractor na may hilang trailer sa kahabaan ng national highway sa Barangay San Martin, bayan ng Bacnotan, La Union.

Nakilala naman ang nasawing biktima na si Orlando Cariaso, residente ng Barangay Casiaman sa naturang bayan.

Base sa report ng Bacnotan Municipal Police Station, habang tinatahak umano ng nasabing hand tractor na minamaneho ni Jose Amo, residente ng Barangay Lacong sa bayan ng San Gabriel sa lalawigan, ay bigla na lamang itong binangga ng truck na minamaneho ng isang Charlie Dongclao ng lungsod ng Laoag, Ilocos Norte.

Agad namang isinugod sa nasabing pagamutan ang mga biktima kasama ang dalawa pang sakay ng truck upang magamot.

Ngunit nabigong mai-ligtas ng doktor ang buhay ni Cariaso dahil sa malubhang pinsalang natamo nito sa kanyang katawan.

Samantala, nagpa-patuloy sa imbestigasyon ang mga kinauukulan upang malaman kung sino ang may pananagutan sa nangyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.