Truck, Sumalpok sa Pader; 1 Patay, 2 Sugatan

PATAY ANG driver ng truck habang sugatan ang dalawang pahinante matapos bumaliktad ang kanilang sasakyan nang malubak sa kahabaan ng C-5 sa may Libis sa Quezon City kamakailan.

Kinilala ang biktima na si Bartolome Pacayra, 27, driver ng cargo truck (TFU-196) na nasawi noon din bunga ng pagkakaipit sa loob ng truck.

Sugatan naman ang dalawa sa apat na pahinante ng trak ng WestCal Sales na sina Conrado Sunga at isang “Rico”.

Ayon sa salaysay ng nakaligtas na pahinante na si Alyson Ibabao, galing sila ng Novaliches patungo ng Sucat, Parañaque para kumuha sana ng iri-recycle na papel at habang binabaybay  nila  ang south-bound lane ng C-5 tunnel ay biglang nalubak ang kanilang  sasakyan.

Sa pagkakataong ito, nawalan umano ng kontrol ang driver at bumangga ang trak sa pader ng tunnel, nagpagewang-gewang palabas ng tunnel, sumampa pa sa center island saka tumawid ng north-bound lane at muling bumangga sa pader ng tunnel.

Bunsod nito naipit ang ulo ng biktima sa pagitan ng kaliwang bahagi ng trak at pader na binunggo nito.

Samantala, sinasabing ang nasawing biktima ay ginamitan ng hydraulic ng rescue  team ng MMDA upang tuluyang maialis sa pagkakaipit sa loob ng truck.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.