Truck ng Softdrink, Inambus; 2 Patay, 1 Sugatan

DALAWANG BIKTIMA ang agad ang binawian ng buhay habang isa pa ang kritikal makaraang tambangan ng armadong grupo ang isang delivery truck ng Coca-Cola sa highway ng Barangay Piña, Sirawai, Zamboanga del Norte.

Lumalabas sa ulat ng Police Regional Office (PRO-9), kinilala ang dalawang namatay na sina Conrado Recohermoso, ang driver ng truck at si Joy Estrada na nagsisilbi namang salesman.

Nagtamo ng mga grabeng tama ng bala sa katawan ang truck man na si Alvin Lumonah na kasalukuyan ay naka-confine sa isang pagamutan sa lalawigan.

Nabatid ng pasado alas-3:00 ng hapon papunta sana sa bayan ng Siocon ng mismong lalawigan ang mga biktima para mag-deliver ng mga Coca-Cola products pero hindi pa man sila nakakalabas sa bayan ng Sirawai ay inabangan na sila ng armadong lalaki at saka binaril sa hindi pa malamang dahilan.

Narekober ng mga rumispondeng pulis sa nasabing lugar ng ambush ang mga basyo ng bala mula sa caliber .45 pistol.

Patuloy naman ang isinasagawang pagsisiyasat  ng mga awtoridad ng Sirawai Municipal Police Station para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga tumakas na salarin.

Samantala, inaalam din ng mga kinauukulan  mula sa may-ari ng tinambangang delivery truck na si Constantino Soriano kung may kaugnayan sa kanyang pagiging negosyante ang naturang insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.