Truck ng Palay, Tumagilid; Ilang Residente, Nag-agawan

NAGKAGULO ANG mga residente sa pagpulot ng mga natapong palay mula sa tumagilid na trailer truck sa Ocampo, Camarines Sur.

Ayon sa driver ng truck na si Mario Hernandez, masyadong maliit na ang bahagi ng kalye sa Barangay Ayugan dahil sa road reblocking, dagdag pa ang malalim na shoulder lane.

Dahil dito, nahulog sa shoulder ng kalsada ang isa sa mga gulong ng truck.

Hindi na makaya pang maibalanse ang truck dahil na rin sa kargang mahigit 800 mga sako ng palay.

Samantala, umabot sa pitong oras bago tuluyang napatayong muli ang sasakyan habang inabot naman ng gabi bago nailipat sa isa pang truck ang mga natapong kargamento.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.